8/01/2011

Volunteer

Saturday morning, ganado akong gumising, excited dahil magmimeet kami ni Sister Amy, pagdating ko ng Pasay taft, nagpaturo ako kay kuya from support group kung paano pumunta sa lugar nila Sister Amy, ang Daughters of Charity, at sa jeep kung saan may nakalagay na sucat kaliwa/ alabang ako sumakay, toinks sa kalahatian ng biyahe biglang nag-alarm, 9am na pala, inom na ako ng gamot laban sa AIDS hehe, at pasimple akong uminom ng gamot sa jeep hehehe. Sa tulong ni Lord at sa madalas kong pagpapaalala kay manong driver ng jeep, narating ko naman ng maluwalhati ang lugar at di ako nalugar.

Maaga ako ng 30 minutes mula sa 10 am na appointment ko kay Sister Amy. Toktok sa gate at agad naman akong pinagbuksan ng mabait na guwardiya, tinuro nya sakin ang lugar kung saan ko maaaring makita ang aking pakay. Nagtanong ako sa magiliw na madre sa information nila at tinawagan na nya. Habang naghihintay ay naupo muna ako sa upuan, mayamaya, may 2 batang dumaan na bumati sa madre ng magandang umaga at pati na rin sa akin, kabubuting bata. Ilan pang sandali ay nagkita uli kami ni Sister Amy.

Mahaba ang naging kwentuhan namin, masinsinan, mayamaya pa'y inaya na nya kong pumunta sa working area nila at narating namin ang lugar after ng mahaba-haba ring lakaran, sa 4th floor gamit ang hagdan, si sister mas malakas pa sa akin hehe at tinanong ko siya, ginagawa daw nya ang baba-akyat for like 20 times a day, amazing di ba.

Pansamantala nya kong iniwanan sa taas para harapin naman ang iba pa, iniwan nya sa akin ang isang task, gagawa ako ng short life story ko at ng application letter para maging pormal ang pagvovolunteer ko. Bandang alas tres ng hapon nang ako ay umuwi baon ang bago at masayang karanasan ko sa lugar. Baon ko rin pala ang payong ni sister dahil nawala ko ang bagong bili kong payong, mahal pa naman nun, 50 pesos heeheh.

4 comments:

  1. Hi ... Ako pala si Leonard, isang masscomm student sa Manila.

    Kasalukuyan akong gumagawa ng Investigative Report tungkol sa buhay ng isang may HIV.

    Pwede ba kitang mainterview tungkol kung papaano mo nalalabanan ang buhay kahit na ikaw ay may HIV?

    Pangako, hindi mabubunyag ang iyong pangalan bilang ethical practice namin sa Masscomm.

    Kailangan na kailangan ko lang po ang iyong panayam upang malaman ng nakararami kung papaano ba dapat tratuhin ang mga taong may HIV.

    Itong Investigative Report na ito ay ipanlalaban sa CMMA this year for radio documentary category.

    sana matulungan mo ako.

    hihintayin ko ang iyong sagot.

    Leonard

    ReplyDelete
  2. weh, hindi nga? hehehe pwede ako, ako pa kaso late na ata reply ko hehe.

    ReplyDelete
  3. ano una mong naramdaman nun may hiv k?

    ReplyDelete

  4. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete