Okay, sa mga nagnanais magpatest sa Manila Social Hygiene Clinic, heto po ang schedule nila. Si Dra. Mendoza ang makakaharap nyo dun, isang napakabait na doktor.
April 13, 2012 7:04pm, nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa isang numero na hindi pa nakasave sa phonebook ko, sabi sa text:" Hi Bal! Ngayon ko lang nabasa ang blog mo. Thanks for giving hope and inspiration to us Filipinos. You are a hero." Wow talaga, very flattering. Naglelevel-up na ba ako hahahaha. Ayun, ilan pang palitan ng messages bago siya nagpakilala at ipapakilala ko na lang siya sa inyo bilang si TJ. Nais nyang magpatest dahil may kaba siya na baka nahawaan siya ng kanyang huling nakatalik. So sinet namin ang araw na available kami pareho at nun ngang April 17, sinamahan ko siya sa Manila Social Hygiene Clinic for HIV testing. 25 taon gulang na siya, cute, at mabait pero mababakas ang takot sa kanya. Ilang linggo na rin daw siya paranoid at nag-iisip na baka nahawahan siya ng kanyang katalik. Tinanong ko kung may proteksyon, sabi nya gumamit sila pero hindi nya sigurado kung ginamit talaga. So yun ang kinakatakot niya lalo na nga dahil nung sumunod na araw pagkatapos ng kanilang pagtatalik ay nilagnat siya at nagkaroon ng dry cough na lalong nagpasidhi sa takot na baka nahawahan nga siya. So sabi ko, huwag siya kabahan, wala din dapat ikatakot at ewan ko ba, sa pagtingin ko sa kanya, confident ako na magnenegative ang resulta nya at di nga ako nagkamali, non-reactive ang resulta. Masaya siya pero hindi pa rin lubos ang kasiyahan dahil wala pa siya sa 3months window period so by June eh magpapatest uli siya para makasigurado. Sa assessment ko naman sa kanya, negatibo pa rin sa HIV ang magiging resulta kapag nagpatest uli siya, sana hindi ako nagkakamali at pinagdarasal ko rin na mapanatag na ang kanyang isip at kalooban. So goodluck TJ. Pray lang tayo ha, huwag kang mahihiyang lumapit sa KANYA, tutulungan NIYA tayo..
P.S.
TJ, thanks sa pagpapaalala sa oras ng pag-inom ng aking DARNA (ARV) hehe. Thank You...
may natulungan ka na naman bal! salamat sa iyo ang more power!
ReplyDeleterosa xoxo
thanks Rosa, di ka na nagpaparamdam ha,
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletehello ako din po gusto ko mgpatest pero wala akong kasama natatakot po ako taga pampanga po ako angeles city. wala akong taong mapagsabihan para samahan ako natatakot naman din ako pumunta mg isa please help
ReplyDeleteanonymous, ano ba ang ikinakatakot mo? yung magiging resulta o sa lugar kung saan ka magpapatest? Kung sa lugar lalo na kung sa social hygiene clinic eh wala ka naman dapat ikatakot dahil naoobserve naman nila ang confidentiality at lahat ng rights ng magpapatest. Lakasan mo na lang ang loob mo and face your fears, remember: no guts, no glory. Kaya mo yan...
ReplyDeleteGuys, bka may taga angeles sa inyo bukod sa kanya bka pwede natin siyang tulungan na samahang magpatest.
pareho po sa lugar at sa result.. sana meron jan mgpapatest ok lang din sakin kung sa manila kmi mgpapatest para di ako makilala dito sa angeles baka kasi meron ako bglang kakilala pala. im on my 7th month exposure in unprotected sex di pako ngpapa test eversince.. march2012 yung unprotected ko then june 1st week ngka sore throat ako 1 week yun with 2 days fever. then ngka mouth sore na maliit sa lips cguro mga 3 days yun headache on the month of june din yun halos araw araw na tumagal cguro in a week and fatigue. then by august to september parang may mga on and off rush ako sa leeg di naman nka lobo pero mapula lang on and off lang yun medyo makati ng konti lalo na pag galing sa mainit cguro 2 times in a week on and off lumilitaw yun hanggang sept. by october bglang nawala na di ko na nkikitang may pula. but im looking good naman malakas. im so paranoid since march to present. minsan emotional depressed.. and stress. kaya i think yung ibang physical signs pwede din cause ng stress dahil sa kakaisip.. kaya guys i need a peace of mind help me baka hindi hiv yung pumatay sakin yung stress and depression ang hirap.. natatakot talaga ako di ko kayang mg isa.. please pray nadin for me thank you.. im from pampnga angeles city..
ReplyDeletebasta mga testing center lalo't accredited na testing clinic like social hygiene clinic, napapangalagaan ang confidentiality ng client hindi pwedeng malaman yun ng kung sino sino lang dahil labag sa batas dun kaya wala ka dapat ikatakot, kung may alinlangan ka pa rin sa lugar nyo at kaya mo namang pumunta sa manila eh ayos din, dito ka na lang magpatest.
ReplyDelete
ReplyDeleteI was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
liver already present. I started on antiviral medications which
reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.