12/31/2011

HAPPY NEW YEAR

Ilang oras na lang, bagong taon na. Nakapagmuni-muni na ba kayo. Kumusta ang naging taon ninyo, naging masaya ba? malungkot? mahirap? produktibo? bongga?.
Ako, itong patapos na taon, 2011 ay maituturing kong isa sa pinakamakabuluhan na taon para sa akin. Ang daming realization, ang daming nangyaring magaganda, ang daming blessings, ang daming bagong kaibigan. Ang dami ko nagawa na hindi ko inisip ni sa hinagap na gagawin ko at magagawa ko ng bonggang-bongga hihi. Daming challenges, dami ring kalungkutan at naging problema pero nalampasan ko dahil ang Diyos ay ginagabayan ako. Kaya iiwan ko ang taon na ito na may ngiti sa labi at walang bitterness at buong saya din na sasalubungin ang panibagong taon na darating. Akala ko, hanggang 2011 na lang ang buhay ko noong una kong nalaman na HIV positive ako, not knowing na ngayon pa lang pala ako nabuhay talaga. Hindi ko na rin naman talaga hinahangad pa na mabuhay ng sobrang tagal, ang mahalaga sa akin ngayon ay mabuhay ng may kabuluhan, may pakinabang. Let's all be happy ha, dapat lahat tayong nasa Positive Community ay mayroon POSITIVE OUTLOOK ngayon, sa panibagong taon at sa mga taon pang darating. Happy New Year Everyone.

Paalala:

Sa mga magpapaputok na mga kapusitan hihi, ingat po tayo at laging ingatan ang ating sarili at ating kapwa. Correct and consistent condom use ay kailangan hehe.

2 comments:

  1. belated happy holidays, balnawalangmalay. i too have find out positive in 2011 thinking that it'd be my last year...lol...there still future for us to come, dont worry. many studies and lab's are pushing through in the 1st world countries for vaccination. next thing we know three to five years from now, we're gonna see this as things in the past, similar to chicken pox, where back in the days people used to die in a small time frame. although im not happy that i acquired it, who wouldnt be, i'm still grateful that our generation's medicine, that is arv's, is what making us prolong life. dont lose hope. again, in US, they see our disease as chronic manageable now because again as long as you comply with your medicine. it shouldnt be a problem. in the US, you dont even have to mention if you have HIV or not if youre thinking of migrating or working in their country, because they dont see it as bad as gonorrhea or tulo (another STI). now, theyre thinking of people with our medical condition how to cope with those poz people ages 65 and up and still living longer and longer...hehe...god bless!

    ReplyDelete