1/29/2012

Madami akong pangarap sa buhay, sana matupad na...

Gustong-gusto ko yung first line ng kanta ng Eraserheads noon, Overdrive ang title hehe. Madami akong pangarap sa buhay, sana matupad na... This year marami akong wish, may ilang goal at gustong gawin at mangyari, sana matupad...
Wishes and Things to do this 2012:

1. Magkaroon ng laptop [Lord, pahingi po hihi)
2. Magkaroon ng savings kahit 100 thousand pesos ( sana naman)
3. Makabili ng mga puti at yellow tshirt (sa divisoria hihi)
4. Magkaroon ng pants na babagay sakin( ang papangit ng pantalon ko haha)
5. Magkaroon ng abs hindi puro tabs ( hahaha goodluck sa akin)
6. Tumama sa lotto kahit mga 3 million hihi ( tumataya ako paminsan-minsan, ayoko ng masyadong malaki)
7. Makapanood ng Eat Bulaga at Party Pilipinas sa studio (sana makamayan ko si Joey de Leon)
8. Makapagtravel sa abroad (sana may manglibre haha)
9. Makalibot sa Pilipinas (Palawan, Bohol, Boracay, Cebu o kahit saan hihihi)
10. Maging mas mabait, makapagnovena every Wednesday sa Baclaran at mas mapalapit kay Lord (love it)
11. Magkaroon ng 1 million pageviews ang blog ko ( haha, pag nangyari yun, ibig sabihin ang daming naging positibo?)
12. Maging youtube star at magkaroon ng 1 million views ang mga videos ko sa Youtube hehe
13. Mas marami mahikayat na magpatest at makapagbigay inspirasyon sa kapwa ko positibo (award!)
14.  Bawasang maging sumpungin hihi (moody ako)
15. Makapagtayo ng business ( sana talaga)
16. Mas maging mabuting anak at kapatid ( para maging proud sila sakin hihi)
17. Magkaroon ng wisdom (lalim)
18. Maging mas mahusay na speaker ng HIV 101 among departing OFWs ( sige)
19. Makapag-aral ng Photography (hilig ko kasi kumuha ng larawan, any sponsor? hahahaha)
20. Makapangolekta, magkaroon ng maraming pabango (clinique happy lang, solved nako haha)
21. Magkaroon ng trabaho aside from my voluntary work (malapit na sana)
22. Makilala kung sino ang nakahawa sa akin ( hehe, di ko kasi kilala)
23. Magkaroon na ng cure laban sa HIV ( sino naman ang aayaw?)
24. Kumain ng mas maraming gulay at prutas, huwag puro pork hihi (para mas healthy)
25. Huwag maospital o maconfine (please Lord, wag naman sana)
26. Mainom sa tamang oras at palagian ang ARV (so far, so good)
27. Happier at walang stress na Lovelife (naman haha)
28. And lastly, umabot pa ng 2013 para makagawa uli ako ng list hihi...

28, dahil this year icecelebrate ko ang 28th year ko sa mundo at sana before may birthday sa 7/11 eh matupad na at least kalahati ng nasulat ko dito hehe. Hmmm...

1 comment:


  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete