Nakilala ko si Poy limang buwan na ang nakakaraan sa isang probinsya sa Southern Luzon hehe. Napunta ako doon dahil ako'y naimbitahan para maging guest speaker at humarap sa mga kabataan para sabihing ako'y isang pusit na hindi dapat tularan ang mga ginawang kalokohan hehe.
Isa siya sa mga taong nandoon na nakinig sa mga sinabi ko at pagkatapos kong magsalita ay lumapit siya sa akin para makipagkamay at para na rin daw magpasalamat. Unang pag-uusap pa lang namin, nagkapalagayan na kami ng loob, (alam nyo yun, parang unang kita nyo pa lang pero parang antagal nyo nang magkakilala hehe) hanggang sa nagkwentuhan kami ng marami pang oras na kaming dalawa lang hehe. Mabait siya, cute (parang hitsura ng taong hindi gagawa ng kasalanan, mukhang magpapari) at parating nakangiti pero nababakas ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Napasaya ko naman daw siya kahit papaano noong mga oras na yun. Pareho kaming nagtatago sa nararamdaman namin pero ako nag-out na kaya malaya na ako, siya naman hindi pa raw handa hehehe.At doon nagsimula ang pagiging magkaibigan namin.
Magmula noon, naging regular na kaming magkatext. Siya rin ang naging sumbungan ko kapag may problema kami ng aking bf (ex na ngayon). Ganun din siya sakin, kinukwento lahat, sabi ko dapat magkaboyfriend na siya, kapag may nagugustuhan siya, ipahayag niya nararamdaman niya. Life is short and Time is gold sabi ko sa kanya hehehe.
Sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng kabiguan, ng kalungkutan lagi siyang naroon para damayan ako, walang sawang sumusuporta, laging may tenga para makinig sa akin lalong-lalo na nung panahon na sugatan ang puso ko. Talagang ramdam ko ang salitang walang iwanan kaya nagpapasalamat talaga ako na nakilala ko siya. At dahil sa kanya, madami akong magagandang lugar na napuntahan na habang ako'y nabubuhay ay maaalala ko at alam kong marami pa kaming magagandang lugar na mapupuntahan.
Poy, nagpapasalamat ako kay Lord dahil nakilala kita. Thank you din sa lifetime achievement award ko dahil yun ang naging daan para magkakilala tayo. Salamat Poy kasi lagi kang nandyan para makinig, magpayo, magpasaya, maging kaibigan at masabi kong "What a wonderful world". Salamat Poy, mahal kita.
I would like to thank you for coming into my life, by being a blessing to me and to others. Salamat sa masasayang "moments" at salamat sa pagkakataon na maging kaibigan mo... Alam ko na madami pa tayo mapupuntahan na magagandang lugar at masasayang "adventures" na magkasama. Thanks kay Lord dahil nakilala kita, sana i-bless ka niya parati. Ingat ka parati, smile and pray always.
ReplyDelete- Poy
Hay, kaw talaga Poy hehe
ReplyDeleteBakit may mga quotable quotes?
ReplyDelete"moments"
"adventures"
sabagay, masarap talaga makakilala ng mga bagong kaibigan, lalo pag may mga first time na adventures or moments or places/experiences na masarap ishare para sabay nyo yon napag kukuwentuhan, napag tatawanan, napag eemohan, at sabay na ite-treasure with your newly found friends.
Ui Ollie, mukhang nilalagyan mo ng ibang kahulugan ah haha. Tama ka, masarap talaga makakilala ng mga kaibigan lalo na kung tulad ni Poy.
ReplyDelete
ReplyDeleteI was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
liver already present. I started on antiviral medications which
reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.