4/27/2012

Touch

Kahapon, april 26 naisipan kong umuwi ng probinsya, wala naman kasi akong gagawin at namimiss ko na rin family ko. Saktong 6pm ako dumating, saktong-sakto para makapanood ng American Idol sa ETC hehe.
Sabi ng nanay ko, pinag-uusapan pa lang nila ako at heto, bigla na akong nadating hehe. Ayun, habang nanunuod ako eh hinanda na ng nanay ko ang aking tulugan. Sarap talaga ng may nanay, todo-asikaso. Maaga ako nakatulog, napagod din sa biyahe. Kinaumagahan, tanong si nanay, ano gusto ko almusal, sabi ko hotdog at itlog, ayun dami ko nakain hehe. Maya-maya, may binigay pa sa akin si nanay na pera hehe, panggastos ko daw hehe. Kaninang hapon naman,( habang naghahapunan kasi kami kagabi, nabanggit ko na gusto ko yung bunga nung isang puno ng mangga namin sa bukid, sarap na sarap kasi ako sa bunga nya hehe) pumasok ang nanay ko sa kuwarto, may inaabot, yung mangga, kinuha ni tatay sa bukid, mangilid-ngilid luha ko kanina. Grabe ang ipinapakita at pinaparamdam na pagmamahal ng magulang ko, ang suwerte ko dahil nandyan sila para sa akin, sa kabila ng lahat. Sana magkaroon pa ako ng mahabang panahon para makasama sila.

Lately, may oras naman ako pero parang wala naman ako maisulat dito pero ayun nainspired akongayon  at napasulat dahil sa parents ko hehe. Nay, Tay, mahal na mahal ko kayo, alam nyo yan hehehe. Mwahh mwahh tsup tsup...

No comments:

Post a Comment