Kuwento ko at kuwento ng lahat ng gustong magkuwento hehe. Mas maigi kung sisimulang basahin ang pinakauna kong post.
7/06/2011
51 Days
51 days na pala ang lumipas mula nang malaman kong positive ako. At mula nang araw na yun, kanina lang pala uli ako inutusan ng tatay ko hehe, tagal na rin akong walang ginagawa sa bahay hehe. Tangi ko kasing pinagkakaabalahan eh laro sa fb na cityville, i'm approaching level 68 na hehe, panunuod ng videos ni Charice, check ng mga sites nya for the latest updates, pep at ilang sites for the showbiz balita, twitter. At ngayon nga, sinusubukan ko na magblog hehe. Pasado kaya? Eh siguro since nga nakita na nila na nagiging normal na ulit ako eh di wala na ulit ako special treatment sa bahay hehe, yun nga naglinis ako ng galunggong kanina at nagprito nito. Mukha ngang pabalik na ko sa paborito kong ginagawa, ang pagluluto. Pero ayoko pa rin talagang humawak ng kutsilyo, takot pa rin ako baka mahiwa pa, mahirap na hehe. Malaki talaga ang nagawa ng Pinoy sakin sa pagiging positibo ng pananaw ko sa buhay ngayon sa kabila ng sakit ko. Wala ako masyado masulat ngayon, may bumabasa na kaya ng blog ko, sana meron na at sana hindi ako isumpa nung nakabasa na dahil sa sobrang walang kwenta ng blog ko hahaha? Kung meron na bumabasa, sana comment naman kayo tapos email nyo na rin ako hehe, tapos kung may mga mali akong nasabi, pakitama na rin ah, alam myo naman below average lang ako hehe. Magandang araw sa lahat. Happy reading.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kua ituloy mu lng po ang blog mu..pa2loy ktang susubaybayan...aq po nadidipres,huhu kua tnx sa blog mu kahit pa2nu gumagaan l0ob q..sana makila2po kta..bi vers po aq.. Aq din po ung ngc0ment at ngtanung qng mer0n bang free hiv testeng center d2 sa cebu sana po help neu q..tnx po kua.
ReplyDeletekilala mo b c hiro s pinoy+?
ReplyDeletebakit mo naisipan magpa check? may nararamdaman ka na ba before ka magpacheck? kung meron, anu ano?
ReplyDeleteYup, kilala ko si Hiro.
ReplyDeleteNAisipan ko magpatest kasi ang dami ko kasing ginawang kalokohan dati eh saka basahin mo na lang yung bakit nga ba ako nagpatest. Sa July yun.
ReplyDelete:) Binabasa ko ang blog mo..feeling ko friend kitang ngkukuwento..:)
ReplyDeletetala Miss Julie, pwede mo naman akong iconsider na kaibigan kung gusto mo
ReplyDelete:) Yey...nakakatuwa ka..napaka positive ng pananaw mo sa buhay..Sana madami ka matulungan at mapalakas ang loob. Nakakagaan ng pakiramdam yung mga kwento mo eh. Grabe yung iyak ko dun sa mangga..tama ba? binasa ko kc in one seating tong blog mo haha..
ReplyDeletemangga? parang wala akong post na ang title ay mangga, hehehehe. Thanks sa pagbabasa. Anu ung kwento dun?
ReplyDeleteAy di mangga yung title nun..yung gusto mo yung bunga ng tanim tpos ikinuha ka ng tatay dun sa kabukiran nyo. :) sobrang na touch kc ako dun kc naappreciate mo yung maliliit na bagay..mangga yun tama :P
ReplyDeleteay okay, naaalala ko na hehehehe
ReplyDelete:) pag my time ka update uli ha..pag inaantok ako sa work binabasa ko blog mo :)
ReplyDeleteContinue ispiring us..
Hi Bal, mag iisng linggo ko na sinusubayan ang nobela mo hehe! Nakakatuwa ka at nakakahanga. :) Ang blog mo totoong -totoo. At sa maniwala ka at sa hindi madami akong natutunan sa yo. Tama si Julie, para lang akong nagbabasa ng kwento ng kaibigan ko. Keep up your faith. You're blessed with a good heart and a real positive attitude. Isa kang tunay na pusit !! (pusit-- ibo ang pananaw sa buhay). I will pray for your good health. God bless you :)
ReplyDeletemyproperties; tnx for your kind words. Censya na hindi pa nakakapag-update but don't worry malakas pa ko hehe.
ReplyDelete