7/03/2011

Pag- amin

May 16, 2011 pa rin, pag uwi ko sa bahay, walang kibo, nung umalis kasi ko nagpaalam lang akong maglilibot sa kaibigan at masaya pa. Pag-uwi ko, buo na yung loob ko na sasabihin ko sa magulang ko yung sitwasyon ko so pagdating ko, sabi ko nay kakausapin ko kayo ni tay, nung time na yun eh may bisita pa si tay, si nanay kinakabahan na kaya di na makapaghintay pa kaya una ko nang sinabi sa kanya, minessage ko din pala sa facebook ate ko, so ayun bago ko sinabi na positive ako, sinabi ko muna yung tunay kong pagkatao na bakla ako, discreet discreetan pa kasi, tapos bumigay nako sa pag iyak kasabay ng pagsabi ko na may AIDS ako, aids ung sinabi ko kasi mas madali nyang maiintindihan, so ayun iyakan, iyakan tapos mag gagabi na, hindi nako lumabas ng kwarto, di nako naghapunan, parang wala munang nangyari sa kanila kasi may bisita pa kami. Kinabukasan dumating si ate at ako naman bumalik sa hospital kasi kailangan ko pang magbayad sa doctor, wala kasing request ng physician nung nagpatest ako eh hindi naman pwedeng magforward daw sa DOH na walang request ng physician yung hiv screening. Nagbayad ako ng 300 for doctor's fee at yun, counselling ulit. Tapos pag-uwe ko, si ate lang naabutan ko sa bahay, umattend kasi ng kasal yung family ko tapos ayun first time ata akong niyakap ni ate sabay iyak at nagsosorry kasi wala daw siya magagawa para pagalingin ako at siyempre iyakan to the max na naman. Higit sa isang linggo siguro kong araw araw umiiyak, tinatry idivert yung atensyon sa ibang bagay pero wala pa rin sobra pa rin ako nalulungkot, may isang laro sa fb na pinagkakaabalahan ko, cityville hehe level 66 nako dun ngayon hehe

4 comments:

  1. bakit mo naisipang magpa test?me mga naging symptoms ka ba?

    ReplyDelete
  2. naghihinala ako na parang may mali sa katawan ko na di ko maipaliwanag pero hind naman ako nagkasakit, pero kinakabahan ako na baka meron ako dahil sobrang makati din ako dati

    ReplyDelete
  3. bal, i salute your courage!

    ReplyDelete