7/21/2011

RITM

The Research Institute for Tropical Medicine ( RITM).

Isinama ako ng isa sa mga kumukupkop sa akin nung Martes sa RITM, dahil kukuha sila ng gamot at para daw makita ko rin ang lugar nilang mayayaman haha ( mga poor daw kasi kaming taga H4 haha, biro niya) , kasama ang ex boyfriend nya na naging kaibigan nya ay tinungo namin ang lugar sakay ang kotse ng kaibigan nya.


Mabilis naming narating ang lugar, bago maglunch nandun na kami.

Heto masasabi ko:


Tulad ng sinasabi ng karamihan. discreet nga ang lugar. Hindi mo iisiping lugar yun ng mga pusit hehe. Deretso naming tinungo ang lugar na pinagkuhanan nila ng vital stats este vital signs at asikaso agad, walang pila. Makaraang ang ilang minutong kumustuhan at pagbibilang ng natitirang gamot nila, tinungo na namin ang kuhanan ng gamot  at toooooooooooot  natapos din agad at binigyan sila ng tig 3 bottles ng gamot sa AIDS haha na good for 3 months. Pagkatapos, itinuro nila sa akin ang Lounge area nila, okay eh di sila na, the best sila eh hahaha. May pinuntahan pa kami lugar din, di ko na alam eh basta ang alam ko lang malamig yung lugar hahahahaha. Pupuntahan pa sana namin yung place kung saan kinoconfine yung mga pasyente kaso kailangan nang umuwi nung may ari ng car kaya dumaan nalang kami sa festival mall para makapaglunch daw kami.


Siyempre treat nila, poor guy nga ako di ba tapos ayun sila na pumili ng kakainan at okay, sa Greenwich. Har, sa loob loob ko, ano kaya yung pwede ko kainin dun, treat kasi nung ex nung kasama ko kaya go na, may dala palang food yung kasama ko para daw sa akin galing chowking, so ayun habang kumakain sila ng paborito kong pizza, sweet and sour pork kinakain ko.(not bad).  Bago pala naming narating ang greenwich, nasalubong namin ang nurse na 20 years na nagseserve sa mga pusit dun sa RITM at ayun kasama namin siyang kumain. Ang tagal ng kwentuhan namin dun at ang dami dami nilang nashare sakin, oa naman daw yung diet ko, tapos kumain daw ako ng pizza at wala mangyayari sakin, so ayun kumain nga ako, kumbinseng kumbinse ako eh biruin nyo nga naman 20 years na siya, ako pa ba tong magmamagaling,ang  sarap talaga ng pizza. Tapos ayun, ang dami talaga nila shinare sakin at ayun, naiinspire na naman ako. Lumipat nga daw ako dun. At pagkatapos nang matagal tagal na pagtambay sa greenwich, umuwi na rin kami. At yun, first time ko napuntahan ang RITM at sana makabalik pa ulit baka dun ko makita ang beking nakahawa sa akin hahaha.

2 comments:

  1. Hi po,may alam po ba kaung free hiv testing center d2 sa cebu?if wla po bka me alam mga frnds nyo pakitanung nman po,plz im confuse,na babaliw na aq,nata2kot minsan nga naiicip kong mgpakamatay, kelangan q e c0nfirm qng may hiv ba aq.huhu..pls help me po.kuya..pls..

    ReplyDelete
  2. hi, try to research Cebu Plus dito sa internet, don,t worry, iaassist ka nila at confidential yun, wag kang matakot ha at huwag mo balaking magpakamatay dahil hindi pa naman end of the world no.

    ReplyDelete