7/08/2011

Bakit kailangang magpatest?

Importante, Napakaimportante ang magpatest lalo na dun sa mga taong at high risk dahil hindi maingat sa pakikipagtalik.

Ang hiv test ay boluntaryong ginagawa, Di pwedeng sapilitan, di pwedeng itest yung taong ayaw magpatest at naaayon naman yun sa batas. Kaya ako, naniniwala ako na mas marami pang may sakit na hindi pa nakukumpirma, madalas din kasi na wala namang palatandaan at sintomas ang sakit and since kakaunti lang ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV/AIDS, tahimik itong kumakalat na hindi namamalayan. At yun ang goal ko magkaroon ng awareness sa sakit ang mga tao at kung maaari nga ay di na madagdagan pa ang mga tulad naming pusit. Para mawala na rin ang stigma, at maling paniniwala sa sakit.


Kailangan magpatest upang malaman mo kung positive ka o negative, para matahimik ka na, dami kasing natatakot magpatest dahil sa magiging resulta, dahil hindi sila handa sa magiging resulta, pero hindi nga dapat matakot dahil ang pagpapatest ay paghahanda na rin, dahil paano nga kung malasin ka't positive pala, hihintayin mo pa bang lumala at magkaroon ng maraming kumplikasyon, na maging buto't balat ka na lang, na hindi mo na kayang tumayo or worst mamatay ka na lang na wala ka pang nagagawang maganda sa mundo bago magpatest? . Kung pwede namang magpatest agad at malaman  ang mga dapat gawin, mabuhay ng malusog, mabuhay nang matagal, mabuhay ng tama, mabuhay ng normal, mabuhay ng may takot sa Diyos.

Basta't lagi lang tatandaan,  it's not the end of the world. Habang may buhay, may pag-asa, malay natin bukas makalawa, may gamot na,  basta think positive hehe. Live positive. Love life. Kaya dun sa kinukutuban at sa may risk na magkaroon, get tested tulungan natin sarili natin. Pwede nyo rin ako kontakin kung gusto nyo may kasamang magpatest, email ko nandyan, dito lang ako. ok?

No comments:

Post a Comment