7/18/2011

The Beginning of the Never-ending

Sa totoo lang hindi talaga ko fluent sa pag iingles pero trip ko lang gawin sa title ko ngayon haha. Magkwento na ako ha.

Pagkagising ko mula sa tinulugan kong bahay ay tinext ko yung number na binigay sakin ng isang miyembro ng pinoy plus para mameet ko, naghahanap kasi ako ng kababayan ko, para may makilala naman akong kababayan ko. At pagkatapos kong maligo at magpalit ng tshirt, ay nagpaalam at tumungo na ako sa lugar na pupuntahan ko nang walang brief hahahaha, tshirt lang kasi ang baon kong damit.  Sa Vito Cruz station  ako bumaba at mula dun sumakay ako ng jeep at hinanap ang lugar mula sa instructions  nya at salamat kay Lord dahil hindi ako naligaw at yun nagkita kami sa Dian St., hindi pa kami nagkikita nung time na yun pero parang alam nya na agad na ako yung pusit at parang alam ko rin agad na siya din yun hahahaha. Hinatid lang nya ko sa center nila dahil nagmamadali sya dahil may lecture sya, pinakilala nya ko sa ilang taong nandun at umalis din agad, almost 9am na yun at sabi nya at 10 am sharp, babalik sya para mag usap kami. Ayun, kinausap naman ako ng mga tao dun tapos since nagugutom ako, sabi ko kakain muna ako at sa paghahanap ko ng makakain, ung pares kung tawagin ang kinain ko hehe. Pagkakain ko ay bumalik din ako sa center agad, at naupo, napansin nung isang pusit na parang pagod at antok ako kaya nag offer sya nung gusto ko daw ba magpahinga at may pahingahan daw sa taas. Umoo ako at tinungo ang second floor at dun sa double deck, ako'y nakapagpahinga kahit papano.

Pagod na ba kayong magbasa? Medyo mahaba yung kwento ko ngayon hehe, itutuloy ko na ha.

Almost 11am na nung dumating ang kababayan ko, kwentuhan, kwentuhan, at sinama nya ko ng sinama sa mga lakad nya, busy siya, hanggang sa nagtanghalian, mabait siya, nantreat sya ng lunch hehe at para sakin pa nga daw yung uwi nyang chowking food. Hanggang sa inabot na ako ng hapon at tanong nila kung uuwi pa ba ako ng probinsya, pwede daw  ako magstay dun at mula sa plano kong sa Taguig ako magtatrial eh dun na ako sa kanilang center, kinabukasan ko na kukunin ang gamit kong pinadala ko sa kapatid ko sa Taguig, At kinagabihan, nun ko na daw simulan ang pag -inom ng ARV mas maganda raw kasi simulan kapag gabi para kung may side effect eh itutulog ko na lang daw. 8:05 sa oras ng cp ko ininom ko na ang unang gamot na Lamivudine at Zydovudine ( di ko sure ung name nung pangalawa pero letter Z sya nagsisimula hehehe) na magkasama sa isang tableta, pinakikiramdaman ko pero wala naman ako naramdaman , thank you Lord, after an hour, ininom ko naman ang nevirapine at ako'y nahiga na, nakikiramdam. Isa o dalawang oras siguro bago ako nakatulog.

First night ng trial, success. Thank you Lord.

At nung gabing yun ang naging simula sa pag-inom ko ng ARV na iinumin ko na habambuhay.

No comments:

Post a Comment