7/03/2011

CD4 count

Base sa nabasa ko at sa paliwanag ng doctor, ang cd4 count daw ay ginagawa sa HIV patients to determine  how the HIV infections is affecting our immune system, yung normal cd4 count daw is above 1000. Dun din malalaman kung kinakailangan mo nang magtake ng ARV na sa susunod ko nang post mas pag uukulan ng pansin.


So June 16 na, kailangan daw maagang- maaga dumating so para hindi ako malate nag check-in na lang ako malapit dun sa San Lazaro, may house yung sister ko somewhere in Taguig pero ayoko dun makituloy. Kasama ko nag check in yung ex ko pero wala namang nangyari, siya pa nakiusap na tulungan daw nya ko kahit sa pagbabayad lang ng motel at sa food, so okay na rin, niliwanag ko lang sa kanya na wala na kong maibibigay pa. Negative pala siya, so okay naman, kukwento ko sa ibang pagkakataon ang ex ko na to.

7 am nandun nako sa ospital, nagpunta ko sa testing area, SACCL kung tawagin, dun ako unang nakakita ng mga HIV positive tulad ko na talagang di mo aakalain na meron silang sakit at dun ko rin nakita ang ilan positive na kinakaba ng dibdib ko. Hay, so ayun tanung tanong since first time ko kukuhanan at sila naman ay pang ilang beses na, mayroong mag asawa, kasama ang nanay, magkaibigan o magboyfriend, ako solo ko that time. So ayun, siguro almost 10 nagbukas yung clinic pero di naman nagtagal at nakunan na rin ako, sabi sakin nung lalaking kumuha ng dugo ko, press ko daw ung bulak dun sa pinagkuhanan ng dugo, pagkatapos kong kuhanan, nakipagkuwentuhan pako sa iba na nandun pa, para magkaroon ako ng ideya pa, mamaya napansin nilang dumudugo yung pinagkuhanan sakin ng blood, nung ko lang nalaman na kailangan palang ipress ng ilang minuto para hindi magbleed hehe. Tapos ayun ok na, Babalik next thursday for the result.

No comments:

Post a Comment