July 11, 1984 nang ako ay isinilang. July 11, 2011 nang ako naman ay isinalang hahahaha.
May naghihintay ba sa bago kong post? hehe mukhang meron naman kasi may mga ilang views pa rin ako hehe. Pasensya na guys kasi eto ako nag iistart na ng trial ng ARV at nakikituloy ako sa umampon sakin habang nagtatrial.
Umaga pa lang dumating nako sa San Lazaro, at ilang minuto lang dumating din ang taong pinakiusapan ko para magpanggap na treatment partner ko since nga hindi available yung mga kapatid ko that day. Pagkapasok namin sa room, ayun medyo tensyonado ako sa mga tanung ni doktora na nun ko palang namit, parang ang tanga tanga ko talaga nun eh ang tanong lang naman ay tungkol sa counseling at tungkol sa gamot na alam ko naman pero pautal utal akong sumagot hehe, pero lumipas ang ilang sandali at naging ok na lahat. Pagkatapos kong pumirma ng kontrata ( kontrata daw hahaha) kung saan nakalahad ang kagustuhan kong uminom ng ARV hahaha ay binigyan nila ng booklet at ilan pang papel at kasama ang aking treatment partner at isa pang kaibigan sa isang NGO, tinungo namin ang botika kung saan kinuha ko ang vitamins ko na iinumin ko habang ako'y nabubuhay, yeah.
Tinungo namin ang opisina nila pero bago yun kumain muna kami sa carindera, treat ko sila kasi nga birthday birtdeyan ko hehe. Sa opis nila,ayun kwento kwentuhan uli at ilang sandali ay nagpunta kami ng SM kasi yung pinakiusapan kong treatment partner ko will really serve na as my real treatment partner. Bumili ako ng lalagyan ng gamot para di mahalatang gamot pala sa AIDS ang tinitira ko hahahaha at para rin maayos ang lagayan. Bumili din ako ng maliit na notebook at pen para mailista ko rin bawat araw ang mga kinakain ko, mailista kung anong oras ako uminom ng gamot at kung ano nararamdaman ko. Pagbalik sa opis nila, parang nanlalambot na naman ako na di ko mawari, para na namang hindi ako sigurado sa gagawin ko at natatakot na naman ako. Nandun naman sila para palakasin ang loob ko, tapos biru-biruan sila, inuman daw, at yun naging totohanan na nagpainom ako at kung nakatakas ako sa pag-inom sa probinsya, dito ay napainom nila ko, isang san mig light lang naman, tapos sa wednesday na lang daw ako magstart ng pag inom ng gamot. Nagprisinta ang isang miyembro na dun na lang ako sa bahay nila matulog kasi nga pagod na pagod na rin ako.
Sa bahay nila, maayos ang trato sa akin at madaming kuwento ang kasama ko, lahat puro inspiring stories at pampalakas ng loob, at nabuhayan na ulit ako ng loob. Sa mga panahong yun nakausap ko na rin ate ko at since paluwas sila kinabukasan, pinadala ko na lang ilang gamit ko at nakapagdecide na dito na lang ako sa Manila magtatrial na syang tama naman talaga. Ang dami kong naipong kwento kaso limited lang access ko sa internet ngayon at mukhang medyo sumasakit na ulo ko, hanggang sa muli.
No comments:
Post a Comment