7/03/2011

Reactive

May 16, 2011 when i decided na magpa HIV screening sa isang hospital para matapos na rin yung walang katapusang pag- iisip ko kung positive nga ba ako o negative sa HIV. At sa wakas nga, natapos na rin, yun nga lang Reactive.


Madaming tanong yung pathologist/counselor sakin, natatandaan ko pa yung una nilang tanong, hindi na ito yung first time mong pagpapatest noh? Sabi ko, first time ko po. Bakit ka nagpatest? at marami pang tanong na  sinagot ko na rin ng tanong, Mam, positive ba ko? At yun nga sinabi nga nila na positive ako.

At yun, natawa ko na ewan, na naiyak, nablanko, mixed emotions, hirap iexplain tapos ayun, ung screening ko daw ipoforward pa sa DOH for confirmatory, so sabi nila  huwag daw akong mawawalan ng pag-asa kasi mayroon daw nagpofalse positive at false negative so possible pa rin na di pa talaga ko hiv positive pero yun nga kinounsel na rin nila ko, dalawa silang nagcounsel sakin. After 3 weeks ko daw malalaman yung confirmatory from DOH. So ayun matapos yung mahaba habang usapan, paliwanagan eh umuwi na rin ako sa bahay. Pero bago ko umuwi may tinanong ako sa kanila kung sasabihin ko ba sa magulang mo, sagot nila kung ano daw ang makakaluwag sakin, ako daw ang magdesisyon.

Susunod, pag-amin.

2 comments: