Kahapon, 3am ako gumising at 4am naman ako natapos maggayak dahil babyahe ako paluwas ng Manila. Marami pa rin ako pangamba sa paglalakbay ko papunta sa San Lazaro para sa aking ikalawang counseling. Bago mag alas otso ay nakarating na ako, nung oras naman na iyon ay nasa v mapa pa lang daw ang mga kapatid ko,( manggagaling sila sa bahay ng ate ko sa Taguig) So kumain muna ako sa kainang malapit sa ospital. Special goto inorder ko na parang di naman talaga ispesyal hehe at isang C2. Pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa lugar namin sa San Lazaro...
Maaga pa rin, ako pa lang yung kauna unahang bisita ata, naabutan ko dun yung ilang mga nagbabantay sa kanilang kaanak, mga matatanda, nakaupo sa tapat ko, dalawang magkabilaang upuan kasi para sa mga bisita ang nandun. May pinag uusapan sila, "narinig ko na yung anak daw nya (sabi nung lalaki) ay 2 weeks nang ayaw maligo, sabi naman ng babae, huwag mo pilitin kasi baka nasasaktan yung balat nya kaya ayaw nya, may mga ganun daw kasi". Madami pa silang napagkuwentuhan na hindi ko na lang pinansin kasi nagsimula na naman akong maistress at matakot, nung time na yun parang may sumisigaw pa na parang umiiyak kaya pasimple ko na lang tinakpan ang tenga ko at bigla din ako naluha hehe ( ang hina ko talaga). Maya maya pa, dumating na rin mga kapatid ko, at may dumating pang isang pasyente at kasama nya.
Diresto siya sa parang information area ng mga nurse saka lang ako sumunod hehe. Pagkatapos naming sabihin sadya namin sa nurse eh nagtimbang nako, inalam ang temperature, blood pressure, respiratory at pulse rate. Need kasi yung limang yan everytime na haharap ka sa doktor. WT, T, BP ,PR, RP. Toinks. Upo ulit habang hintay tawagin para papasukin sa aircon na counseling area hehe. Aburido pa rin ako as usual, gulo gulo buhok ko haha parang tanga tanga. Tapos tumabi sakin yung isang pasyente, at hindi na ko nakatiis, tinanong ko sya, "trial ka? (may trial stage kasi ang pag inom ng ARV), "oo sabi nya, may allergy kasi sya kaya nandun papacheck up, tapos ayun, nagtanungan na kami, tapos pinakilala nya ko sa kasama niya na isang officer ng Pinoy Plus. Aware kasi ko sa Pinoy Plus, madalas kong naririnig na marami natutulungan pero hindi ko alam kung paano ko lalapitan, thank you kay Lord kasi sila na kusang lumapit sakin. Nagsisimula pa lang ako kausapin ni kuya from pinoy eh tinawag nako for counseling sa loob. Sa loob, naabutan ko si dok, yung pinakabidang counselor, pinakilala nya kasama nyang isa pang doktor na nun ko lang nakita at isa pang babaeng doctor. Pinakilala ko ulit mga kapatid ko pagkatapos namin magbatian ng goodmorning. Mga 30 minutes or less yung tinagal ng usapan namin dun, okay naman, parang review lang nung napag usapan namin last time at ilan pang nadagdag, mas excited ako talagang matapos para makausap ko na ang Pinoy. So natapos na nga at sinabi ko sa mga kapatid ko na mauna na sila, gusto pa nga sana nila sumama kaso sabi ko huwag na. So ayun konting pagkakakilanlan, date nung nadiagnosed ako, contact number, code ko, konting tanong, sagot, kwentuhan. Habang hinihintay namin yung sinamahan nya na may allergy. Sa aming pagkukwentuhan, may dumating na isa, toinks may bago na namang positibo. Makalipas ang ilang oras nauna na kaming nagtungo sa opisina nila kasi di pa tapos yung kasama nya, wala pa yung doktor.
Mga ilang minutong paglalakad mula sa San Lazaro, narating na namin ang opisina nila. Pinakilala ng aking kasama ang ilang pa nyang kasamahan. Ang vice president nila ang siyang kumausap sakin, at narealized ko na mas masarap at mas kumportable akong kausap sila, simply because mas naiintindihan nila nararamdaman ko since lahat ng mga miyembro ng samahan ay pawang mga hiv positive. Kwento kwento hanggang sa natapos na kaming mag usap. Sabi niya huwag pa daw akong umuwi, naupo ako kasama yung karamihan ng nandun 8 ata kaming lahat dun, tuwing thursday daw dagsa ang mga positibo dun, ayun, kuwento kwento sila ng istorya nila, yung ilan sa kanila wala pang nakakaalam sa family nila, ibat ibang kwento bawat isa, pero lahat sila all looking good now kasi masasaya sila. Sa mga salita, kwento, mga knowledge na naishare nila sakin, talagang lahat ng bumabagabag at takot na meron ako ay nawala na. Sa almost two months na parang sobrang bigat at dumi ng kalooban ko (from the day when i found out about my situation), kahapon lang uli ito gumaan at masasabi kong luminis linis hehe.
Past 4pm na nung umalis ako dun, ayoko pa sana but i can't stay any longer kasi uuwi pa ulit ako ng probinsya, gagabihin ako masyado, may next time pa naman hehe. Hinatid ako ng isang miyembro kasi medyo naulan, wala kasi akong payong na dala, thank you ha hehe. Nag lrt ako papuntang Pasay tapos naglakad papunta terminal, biyahe ulit and finally, 9pm dumating nako sa house kasama ang bagong simula at lakas ng loob para mabuhay pa ng matagal at maging kapaki pakinabang na mamamayan.
Goodnight. natapos din hehe, medyo mahaba kuwento ko, hahabaan ko pa sana, antok na kasi ko...
nice.
ReplyDeletethanks
Delete