Thursday, June 23, bumalik ako for the result ng cd4, 6 am nandun na ako kasi madami daw dun pupunta kasi nga release din yun ng gamot at maraming kukuha, at suwerte at number 6 naman ako kaya di ako aabutin ng hapon.
Dun ako nakakita ng mas maraming pasyente, may ilang akong nakilala na masaya naman sila, na parang walang sakit, sana nga ganun din kalakas loob ko, madami din akong nakakuwentuhan kabilang ang ilang nanay na malalakas ang loob, pinapalakas nila loob ko kasi depressed pa rin daw ako hanggang ngayon sabi nila.
Makalipas ang ilang oras tinawag na rin ako tapos nalaman ko na my cd4 count is 316, nashocked ako hehe, iniexpect ko kasi na mataas pa siya eh pero yun nga mababa na, 350 below kailangan nang magtake ng ARV. Hay aray. So ayun paliwanag si doc, bago daw uminom kailangan buong buo sa puso mo na talagang gusto mo uminom as if may choice ako haha, kasi nga daw hindi biro ang pag inom at kailangan ng 3 session of counseling before na painumin ng gamot, at kailangan may kasamang myembro ng pamilya, June 29 ang first schedule ko.
So last wednesday nakaisang session na ko kasama ang dalawa kong kapatid na babae. Ayun ok naman, 1pm ung sked ko pero past 4pm na kami naasikaso kasi madami din iba, may dalawang bagong case pa, isang girl at isang boy. Bukas yung second session ko, hopefully mawala na takot ko at lahat ng bumabagabag sa isip ko tungkol sa pag inom ng gamot, ang gulo gulo pa rin kasi ng utak ko hanggang ngayon. Magkuwento ulit ako after ng 2nd session ko. hehehe
No comments:
Post a Comment