6/24/2014

My Love Story (Pag-ibig ng isang Pusit)

Isa sa pinakamasaya at pinakamasarap na pakiramdam na maaari nating madama ay ang magmahal at mahalin. Ako, bata pa lang ako, pangarap ko na talagang may magmahal sa akin ng "forever" bukod sa aking pamilya. So heto guys, muli akong nagbabalik after a long hiatus (haha not sure this time kung may nakakaalala at nakakamiss pa sa akin) at gusto kong mas higit nyo akong makilala sa pamamagitan ng kwento ko, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga saloobin ko sa mga lalaking dumaan sa buhay ko haha (mga lalake talaga) malay natin, isa pala sa nagbabasa nito ang magtatapos sa paghahanap ko ng "One True Love" hihi.

Nang madiagnosed ako na mayroong HIV, akala ko ay katapusan na rin ng paghahanap ko ng aking pag-ibig pero hindi pala, dahil a month pa lang after my diagnosis, mayroon na agad nagpakita ng interes sa akin, at nagsabing mahal nya ako, itago na lang natin siya sa namesung na ELG (hihi), sa totoo lang noong una, hindi ko siya gusto dahil halos doble ng edad ko ang edad nya (alam na hahaha) at talagang hindi ko pa talaga naranasang makipagrelasyon sa matanda pero pumayag akong makipagrelasyon at makipaglive-in sa kanya sa kadahilang hindi pa ako handang umuwi sa amin at tumira kasama ang pamilya ko dahil nga bagong diagnosed pa lang ako at marami pang issue sa katawan hehe. In short, kailangan ko siya, at siya naman, kailangan nya ang katawan ko, charot hahahaha. Maganda naman ang aming naging pagsasama, mabait siya,at maasikaso. Siya ang tumulong para ako'y maging kapaki-pakinabang at mabuhayan muli ng pag-asa. Pero kinalaunan ay natuklasan ko na may iba na pala siyang tinatawag na mahal, 'yung post ko na Dear ex noong 2012 ay para sa kanya (  http://buhaynamingmgapusit.blogspot.com/2012/02/dear-ex.html ) at binalikan kong basahin after 2 years, nakakatawa mga teh, sobra pala akong bitter nun hahaha. But after ko magbitter-bitteran noon eh naging good, good friends din kami and friends pa rin kami hanggang ngayon at friends din kami nung guy na pinalit nya sa akin (kaso yung guy na pinalit nya sa akin ay pinalitan nya na rin hahahaha, kada taon ata siya magpalit). May ginawa pa akong kalokohan nun during my bitter days, i dated his ex (na sobra daw nya minahal) at 'yung isa eh sikreto munang malupet hahahaha. (redeeming moments ung pangalawa)

After my relation with ELG, more than a year bago ulit ako nagpapasok...nagpapasok sa puso ah hahaha, pero 'yung more than a year na single ako, lumalabas naman ako, nagpapapansin, to the point na feeling ko eh karinderia ako na bukas sa lahat ng gustong kumain. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, hindi naman ako wild, pero flirty lang hahaha, 'yung tipo na kahit sino na lang eh kapag naisip ko ay sasabihin ko na lang na gusto mo tayo na? I had a short romance with RT na nakasama ko lang sa isang training na after ilang oras na chikahan eh kami na haha (pero friends pa rin kami hanggang ngayon) at si  PC na nakilala ko sa hub na agad ko rin naging jowa (pero wala pa atang one week nang maging mag-on kami haha). Then si GS aka NH, naaattract ako kasi he's gwapo and when i texted him and ask for a date, pumayag naman siya, then ayun, lumabas din kami ng maraming beses at nakapunta rin sa bahay nila at nameet ko ang family nya. I love his family, sobrang warm, at home na at home ako.  'Yun nga lang, may boyfriend pala siya that time na very close din sa family niya. Ang sabi niya, wait lang daw ako. Naghintay naman ako pero hindi ako nakapaghintay ng matagal, sabi ko, baka sa wala din mauwi ang paghihintay.

Sa isa namang training sa Rizal, nakilala ko si DR. Kay DR ko nadama 'yung feeling na kinikilig na sa mahabang panahon ay hindi ko naramdaman. Ganito kasi yun, nasa training kami, mga professional sila so hiya akong pansinin pero 'nuong last day bigla siya lumapit dala ang kanyang violin tapos ang sabi sa akin "Gusto mo tugtugan kita?" kilig-kiligan talaga ko that time tapos ang piece pa nyang tinugtog eh paborito ko, All i ask of you from the Phantom of the Opera. Sa loob-loob ko, ito na ba ang destiny ko haha. Tapos, sabi nya, samahan ko daw siya sa kwarto niya, akala ko papatulong lang sa mga gamit niya kasi malapit na magcheck-out time, yun pala ay ioopen nya ang arms nya para yakapin ko, mukha daw kasi akong longing for that. Pero ang ending, siya ang ayaw umalis sa pagkayakap kasi mukhang siya ang longing hahaha. (Pero kilig talaga ang moment na un, tinginan lang lahat sa amin pagbalik ng training room, akala eh may ginawa na kaming kabalbalan hahaha pero wala talaga). After the training, twice pa kami lumabas pero friendly date lang daw 'yun ayon sa kanya dahil nakatali na daw ang puso nya kay Lord. Ayun. Sa ngayon, wala na akong balita sa kanya, hindi kasi kami friends sa fb. (assuming ang peg ko dito haha)

Sa isa pa ulit na training (parang puro sa training ah haha) nagkakilala naman kami ni CA, magkahiwalay na training yun at hindi rin kami nakapag-usap noong time na 'yun. Pinakilala lang siya pero hindi naman kami nakapag-usap.  Pagbalik ng Manila, nagkita kami at nuon pa lang talaga nag-usap, nalaman kong crush pala niya ko bwahahaha. Inofferan niya agad ako na magsama na kami as in agad-agad na hehe at dahil single naman ako, sabi ko subukan muna natin, kaya nagbakasyon muna ako sa kanila sa Zamboanga at doon nagcelebrate ng Christmas at New Year. Nakakatuwa siya ang dami na agad plano sa akin, 'yung tipong 5 years from now ito ka na hehe kaso marami kaming bagay na hindi pinagkakasunduan. Hirap pala kapag Judge ang makakarelasyon mo, lagi akong talo sa paliwanagan bwahahaha. Ang kagandahan lang, hanggang sa ngayon ay friends pa rin kami, when i came back nga sa Zamboanga for a project, sa kanya pa rin me tumira. (as friends). My post na  "nude in the beach" was shot there hehe:  http://buhaynamingmgapusit.blogspot.com/2012/12/nude-in-beach.html#more

Si JB, nameet ko naman siya sa isang event sa Quezon and we became really good friends. Sumbungan ko siya kapag may problema at away kami ni bf ELG dati, at talagang naging sobrang close namin. Noong single na ako, sabi ko sa kanya eh tayo na lang ang mag-bf. (being the desperado that i am palagi). During that time, hindi pa siya ready and masaya naman daw kami as friends, ( a lot of issues is going on sa kanyang isipan pala nuon) kaya tuloy pa rin ang aming pagkakaibigan. Ang hindi ko inasahan ay ang darating sa puntong magiging handa rin siyang mahalin ako nang higit pa sa isang kaibigan but the problem is noong ready na siya, tanggap ko na, na magkaibigan na lang kami. He is my bestfriend. Masyado ko siyang nasaktan nuon but thank God pagkalipas lang ng ilang buwan, naging best of friends ulit kami at hanggang ngayon, siya ang pinakamalapit kong kaibigan. By the way siya pala si Poy sa dati kong post: http://buhaynamingmgapusit.blogspot.com/2012/04/si-poy.html

Si JT, ex-bf ko naman siya, the longest i had noong hindi ko pa alam na pusit ako. Isa siya sa una kong ex na pinagsabihan when i found out na i am HIV positive. 2008 noong naging kami at 2013 nang muli kaming magkita sa isang lamay ng common friend namin. After the lamay eh sweet-sweetan siya. Then madalas na kaming lumabas, ang sweet ng mokong na yan, hatid-sundo nya ako tapos may dalang bulaklak, tsokolate, nakaescort at laging nakahawak sa beywang ko haha,  kaso biglang hindi nagparamdam, hindi ko alam kung napagod (agad-agad?) pero after a few days nakita ko na lang sa fb na may bago na palang bf hahaha, hindi naman ako nahurt kaso wala man lang pasabi, then makalipas ulit ang ilang buwan, nagparamdam ulit at sinisisi pa ako na ako daw ang biglang hindi nagparamdam, kaloka much (unli tawa talaga ako), okay naman kami ngayon (i guess)kahit hindi ko na siya nakikita  hahahaha dedicated sa kanya yung post ko dati na "buhok": http://buhaynamingmgapusit.blogspot.com/2013/03/buhok.html#more

Si RG naman, the first time na nagkita kami, parang may spark agad hahaha. At 'yung una naming pagkikita ay nasundan pa ng nasundan. Mabait siya, very sweet. Kaya niya ko ikiss kahit nasa loob kami ng mall, waaaaaaaaaaaaaahh. Kaso hindi rin nagtagal ang relasyon namin, marami kasi siya problema that time at imbes na tumulong eh dumadagdag pa ako. Pinagsisihan ko nun why i broke up with him sa napakachildish na reason haha kaso wala na. Masaya na siya ngayon sa piling ng iba hehe at okay naman kami, friends na friends. We hang out pa rin minsan.

Si ADM naman, nagkakilala kami dahil sa blog na toh (akalain nyo un) haha, " taksikab part 2" is dedicated to him : http://buhaynamingmgapusit.blogspot.com/2013/06/taksikab-part-2.html. Yes, siya po si ADM and yes naging kami din ng maiksing panahon haha. Masaya naman, naka-attend pa nga ako ng premiere night ng obra niya. Kaso ayun, i broke up with him kasi parang something is missing, may hinahanap ako sa relasyon namin na hindi ko rin naman binibigay (weird) . Pero okay naman kami, nagkakatext at chat pa rin minsan. Binabasa pa kaya niya ito haha?

Then Si RB, birthday noon ng friend namin, invited ako, siya at ilan pa. Then, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko siyang napagtripan. (hindi naman kasi kami nagpapansinan dati). Hindi ko sure kung gay siya, kaya ayun, pumick-up, pick-up line ako. At tagumpay naman, hindi ko inasahan ang mga sumunod na mga pangyayari. Maraming beses kaming lumabas. At dahil sa mabait siya, nahulog ang loob ko sa kanya. Nameet ko rin ang napakamaasikaso niyang pamilya. Pero ang ending hindi rin naging kami. Pwede lang daw kaming maging magkaibigan, after niyang umakyat ng bundok Anahaw, narealized niya daw na binigyan siya ng responsibility ng Diyos to preach lalo na sa youth at napaka ipokrito daw niya na pagbabawalan niya ang kabataan sa bawal na relasyon tapos siya naman pala ang gagawa nun. Hindi ko lang alam ngayon kung bakit hindi kami okay ngayon. Gusto ko pa rin siya maging kaibigan pero ayaw na niya, pero sana in time ay maging okay na rin.

After RB, may isang hindi inaasahang kaibigan na nagtapat ng damdamin sa akin, pero hindi ito tulad ng lahat ng nabanggit ko sa taas dahil isa siyang babae (isang professional at disenteng babae). Matagal ko na siyang kaibigan, alam niyang bading ako at worse may award pa haha pero willing siyang itake lahat ng risk. Grabe. Pero yun nga, bading ako at hindi ko lolokohin ang sarili ko. Masyado ko siyang nasaktan pero mas mainam na yun kesa makipaglokohan at magpaasa. Namimiss ko siya, sana in time ay maging magkaibigan ulit kami at sana makahanap na siya ng straight guy na tunay na magmamahal sa kanya.

At diyan po nagwawagas ang aking love story as of June 24, 2014 hahaha. Sa ngayon, hinahanap ko pa rin ang pag-ibig na sadyang laan para sa akin, sana dumating o sana may bumalik bwahahaha, hindi ako susuko.

Huling mensahe...

Karamihan sa naging bahagi ng aking love story (after diagnosis) ay hindi positibo sa HIV at alam nila na ako ay positibo, hindi naman naging issue ang HIV kaya sa mga positibong gaya ko, huwag mawawalan ng pag-asa, don't stop looking for love at huwag lilimitahan ang paghahanap sa kapwa positibo lamang. May condom naman hihi. Ingat palagi.


1 comment:


  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete