5/16/2012

Anniversary

May 16, 2011- Isa sa date na hindi ko malilimutan dahil ito ang araw na nagkaroon ako ng lakas ng loob para harapin ang kinakatakutan ko.
Unang-una, nagpapasalamat ako kay Lord, kay Mama Mary dahil isang taon na pala ang nakalipas, isang taon buhat nang malaman kong pusit ako at taglay ko ang virus na tataglayin ko habang ako'y nabubuhay...

Kanina habang nagmumuni-muni, hindi ko mapigilan na hindi maluha. Pero masaya ako dahil wow, isang taon na pala at sa loob ng isang taon, hindi ako nagkaroon ng karamdaman. Kaya binabati ko ang aking sarili ng Happy 1st year anniversary hehehe.

 Marami ang bumati sa aking facebook dahil akala nila ay birthday ko ngayon, May 16 kasi ang nilagay kong birthday sa facebook na ginawa ko para sa mga kaibigan kong mga pusit din hehe.

May ilan din na bumati ng happy birthday sa text at nakatanggap din ako ng mga mensahe mula sa mga taong napagsabihan ko na one year na akong pusit, heto ang ilan:


  • "Can i say hapi2 anniversary, hehehe. Naku 1 year ka na pala non. I'm hapi na hapi ka rin. God bless you Bal. I know that God is using you. You have a fruitful life Bal. Marami ka pang matutulungan. Just let God to continue using you to bless others."
  • "Congrats for taking charge of your life, for making your positive status a positive impetus in your life."
  • "More blessing to you. Smile lang parati ha at kapit kay Lord"
  • "Happy birthday sa bagong Bal, I'm blessed to know you as my friend"
  • "Glory be to God and to our Mother of Perpetual Help. Sa june naman ang anniversary ko"
  • "Congrats kuya, naka 1 year ka na pala"
  • "I hope na nablog mo ung anniversary ng test mo para di limited ang iyong thoughts at pag express ng feelings. I hope you had gain a lot, great things hence more thankful"
  • "Congratulations nak! You are not the same Bal that I met in H4 a year ago, an uneasy disturbed young boy sitting in front of me complaining dizziness but was refusing the help i offered. Now you are totally processed and healed. Thank you for giving me a chance to journey with you and letting your hand to be held."
  • Have a blessed anniversary Bal. Ingat always."
Hay, grabe. Ang sarap pakinggan.Nakakataba ng puso na may mga bago akong nakilalalang mga tao na naging bahagi ng aking buhay na makulay hehe.

Isang taon ang nagdaan pero kapag inaalala ko, hindi ko pa rin mapigilan na hindi maluha tulad ng mga ganitong pagkakataon:

  • Paano akong hindi maiiyak kapag inaalala ko kung paano akong iniyakan ng pamilya ko sa pag-aakalang sandaling panahon na lang nila akong makakasama. Ramdam ko ang sakit, pait at panghihinayang nila pero nangibabaw ang nag-uumapaw nilang pagmamahal. Very touching.
  • Panahon na kung saan wala na akong malapitan, hindi ko na alam kung ano gagawin saka ko lang maaalala na may Diyos pala. Pero sa kabila ng lahat ng aking nagawa ay hindi pa rin Niya ako tinalikuran bagkus ginabayan at tinulungan Niya akong mapunta sa tamang landas, sa mga tamang tao.
  • Panahon na ang bigat-bigat ng iyong kalooban, sobrang down, pinanghihinaan ng loob pero sasabihin ng magulang mong lumaban ka para hindi naman kami panghinaan ng loob, sama-sama nating haharapin ang laban na to.
  • Panahon na bigla kang yayakapin ng iyong kapatid, iiyak at hihingi ng sori dahil lamang wala siyang magawang tulong sa sitwasyong kinakaharap ko. (ang dami kong iyak dito)
Ang dami kong touching moments with my family na masasabi kong mas lalong tumibay ang samahan namin dahil sa pagkakaroon ko ng HIV. Kaya mahal na mahal ko si tatay, si nanay, si ate, kuya, bunso kong kapatid at pamangkin ko. 

Sa pangkalahatan, marami din akong nagawa at napuntahan sa loob ng isang taon. Mga opportunities na naganap dahil sa taglay kong sakit. Maraming beses na rin akong nakapagbahagi ng aking buhay at karanasan sa iba't ibang klase ng tao na puro positibo naman ang naging pagtanggap sa akin. Ang dami ko ring nakilalang mga tao, positibo man o negatibo. Ang ilan sa kanila'y naging malapit kong kaibigan hanggang sa kasalukuyan. Hindi lumiit ang mundo ko, ito nga'y lalong lumawak. First time ko rin nagalugad ang Quezon, La Union at Baguio. Nakatambay din sa ilang hotel at resort tulad ng Hyatt, Bayview, Robinsdale, Orchid garden, Punta de Fabian, Ciudad Christhia. Marami din akong nahikayat magpatest, at luckily, wala pang nagpopositibo sa mga sinamahan kong magpatest hehe. Natupad na rin ang pangarap kong photoshoot (nahiya nga lang ako sa photographer kaya hindi nakapag-emote hehe).

Alam kong marami pa akong magagawa at mapupuntahan kaya go, go, go lang. Ang sarap mabuhay...Salamat sa inyong lahat na naging bahagi ng aking journey. 1 year na akong pusit (buhat nung nagpatest hehe). Yahoooooooooooooooooooo.

11 comments:

  1. partida! maingay pa ang mga bata sa net shop habang emo emo ka dito sa post mo! ^^

    ang dami mo na palang napuntahan ano?! baka maging travel blog na rin tong bahay mo Bal! ^^

    ReplyDelete
  2. haha, hindi ko yan natapos nung gabi na yun, tinuloy ko sa bahay ang pagsusulat at dun nag-emote hehe saka ko tinuloy kinabukasan

    ReplyDelete
  3. Ano ano po ba mga symptoms na narrmdaman mo ngyon? Nttkot kasi ako bka meron rin ako hiv sana matulungan mo ko.;(

    ReplyDelete
  4. mas makabubuti siguro kung magpatest ka na para malaman natin kung ano ang status mo, walang signs and symtoms ang HIV. Text mo ko: 09321383961

    ReplyDelete
  5. Sige text kita nagmessage ako sa email mo mahaba yun sana mabasa mo. Salamat;)

    ReplyDelete
  6. i'm proud of you! sana ay patuloy kang maging inspirasyon! isa ako sa natulungan mo. rosa

    ReplyDelete
  7. nabasa ko yung blog mo 05/16/12 lam m special din tong date na to para skin i was crying while reading your blog. meron sna ako gusto i share pro hnd k p alam kung panu hirap ng wla k mkausap khit sa trust friends ko msxado sensitive tong issue. sna mgpatuloy k mg update s kalagayn mo im praying for you for your health more strenght just pray ok. i just 2 say lam nyo kung may taong andyn para sayo tanggap ka kung anu k man at kung ano meron k ngaun wag kang matakot n magmahal kung alam mong andyan lagi siya para sayo mahirap makahanap ng totoo love lalo n kung may karamdaman ka na walang lunas at hnd mo alam kung sino pa mamamahal sayo bukod sa pamilya mo at kaibigan mo diba ang sarap din ng may minamahal hingin mo ng tulong at dadamayan ka grab the chance baka sa huli magsisi tayo na sana binigyan ko siya ng pagkakataon na mahalin ako na tanggap ako ng walang pag alinlangan . . . god bless =) hope to hear your reply and updates

    ReplyDelete
  8. thanks anonymous, mag-uupdate din ako soon, wala pa lang magandang maisulat pero dinadalaw ko naman ito once in a while,sa akin pwede ka magshare kung okay lang sayo...

    ReplyDelete
  9. thanks for respond. i want to share something sayo sna i want to talk to you or maybe we can chat so we can talk about it. fb or ym ok lng if i add you thanks again GBU. =)

    ReplyDelete
  10. email me na lang: balnawalangmalay@ymail.com. or 09321383961

    ReplyDelete