Showing posts with label Love story. Show all posts
Showing posts with label Love story. Show all posts

6/24/2014

My Love Story (Pag-ibig ng isang Pusit)

Isa sa pinakamasaya at pinakamasarap na pakiramdam na maaari nating madama ay ang magmahal at mahalin. Ako, bata pa lang ako, pangarap ko na talagang may magmahal sa akin ng "forever" bukod sa aking pamilya. So heto guys, muli akong nagbabalik after a long hiatus (haha not sure this time kung may nakakaalala at nakakamiss pa sa akin) at gusto kong mas higit nyo akong makilala sa pamamagitan ng kwento ko, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga saloobin ko sa mga lalaking dumaan sa buhay ko haha (mga lalake talaga) malay natin, isa pala sa nagbabasa nito ang magtatapos sa paghahanap ko ng "One True Love" hihi.

2/20/2012

Dear Ex

Maraming mga bagay ang dapat kong ipagpasalamat sa'yo. Unang-una, ikaw ang dumamay sa akin at naging kasama ko noong panahon na pakiramdam ko'y wala na akong halaga at pag-asa. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para magkaroon ng konting kaalaman at maging kapaki-pakinabang sa mas nakararami.