6/18/2013

Taksikab part 2



Hi guys, miss nyo ba ako? kung miss nyo ako, mas namimiss ko ang sarili ko hahah. Busy pa rin pero di naman na sobrang busy at ang nakakatuwa ay mukhang nagbunga namin din ang hard work ko (hard work daw hahaha). Nakatanggap ako ng email mula sa kapartner na ahensya ng gobyerno at nagsabing, thanks bal, good job everyone. Hay, parang nasa alapaap talaga ako kanina kasi napatunayan namin sa kanila na deserving kami sa project na iyon. Hmmm.

Maiba naman, regarding sa title, gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking experience ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang mameet ko ang direktor at sumulat ng TAKSIKAB. Akalain nyo yun? Dahil sa post ko na may pamagat na Taksikab eh nakilala ko siya hahaha. Eto istorya:

May mga ilan-ilan na nag-aadd sakin sa facebook na hindi ko agad inaaccept lalo't wala namang message o common friend, isang araw, nagreview ako ng mga  nag-aadd sakin. Then nakita ko siya, sino kaya ito. Wala kaming common friend pero mukhang okay naman kaya sige,  iaaccept ko na, madali namang magtanggal if ever na hindi naman pala alam ang sitwasyon ko o hindi naman pamilyar sa blog ko, tapos pagkaaccept ko ay nagmessage siya  "Hi. Thanks! I read your blog. Also, I learned you were able to watch my film Taksikab. Thanks".   Tapos napaisip ako, bakit kaya ganun ang message nya, then google ako agad, sinearch ko ang taksikab at nakita ko yung name, same name. Eh di ako ay manghang-mangha, akalain nyo un, my scriptwriter at director na nakabasa ng walang kwentang blog ko hahahaha. at eto pa sabi nya: " Pleasure is mine. I added you kasi I want to interview you for my next film, Hope I can meet you in person when you have the time."  Ilang araw pagkatapos ng pag-uusap na yun ay nagkita rin kami (excited much kasi ako hahaha)  Ayun, nagkita kami sa Metropoint sa Pasay Rotonda at niyaya nga ko sa CCP para dun magkwentuhan. Tatlong food chain ang kinainan namin. Palipat-lipat, kwentuhan lang. Nagkapalagayan din kasi kami agad ng loob at doon ko rin nalaman na ayon sa kanya ay nilait ko daw sa post ko dati ang movie nya hahaha, (kahiya much pero di ko naman nilait diba?). Pakiverify nga: http://buhaynamingmgapusit.blogspot.com/2011/07/taksikab.html. Marami kami napag-usapan, dami nga niya naibahagi din sakin. At talagang flattered ako at excited sa mga plans nya. We'll see in the future if those plans will push through hehehe. By the way, lubos akong nagpapasalamat sa mga nag-eemail (balnawalangmalay@ymail.com), comments, message, nagbabasa at ilang sumusubaybay sa blog, blog na nalikha dahil sa lifetime achievement award ko, ang HIV. Kaya sa mga positive sa HIV na kagaya ko, smile lang parati, masarap mabuhay...

Till next time....

Bal

2 comments:

  1. Go girl!!! :) Hehe ngyon lang uli ako naka basa ng blog mo.

    ReplyDelete

  2. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete