7/03/2011

San Lazaro

In less than two weeks mula sa 3 weeks na palugit before ko daw malaman yung confirmatory test, eh nakuha ko na yung result, ayun eh di naconfirm na nga, hindi nako masyado nagulat, parang expected ko na rin hehe. Tapos sabi nung pathologist, pili daw ako mula sa RITM,  PGH o San Lazaro pero sabi nya sa San Lazaro na daw ako pumunta para sa counselling at para malaman ko daw kung ano dapat kong gawin,, so nung Monday, June 6, 2011 mula sa ilang oras na paglalakbay at pagtatanong, narating ko sa kauna unahang pagkakataon ang San Lazaro Hospital, H4 pavillion, for the HIV patients.
At matapos ang  ilang pagpapalitan ng tanong at sagot sa isang nurse, medyo magulo kasi wala daw ako schedule eh sabi naman nung nakipagcoordinate na doctor ko sa probinsya, ok na raw lahat, hanapin ko lang daw si Dr. Angeles, only to find out na mali pala yung name nung doctor na binigay nya haha buti na lang, kinunsider nila kasi galing ako ng probinsya hehe at pagkatapos nya kong kuhanan ng timbang, blood pressure, temperature,  heart at pulse rate ay nakilala ko na rin ang doctor na tutulong sakin para sagutin ang mga katanungan ko at magbigay impormasyon sakin tungkol sa sakit na meron ako. Bale tatlo silang doctor na nakapaligid sakin, lahat naman sila we're very nice, sarap din kausap. Ayun usap usap, di na nila tinanong kung saan ko nakuha, tinanong lang kung  sa babae o sa lalake ba ako nakikipagtalik, at kung top o bottom, medyo magaan pa lang mga tanong tapos ayun everything went good naman, kinakailangan ko nga lang bumalik sa hospital na pinagscreening ko  para iconfirmed nila na ako at yung binigay nila na codename na Juliana ay iisa, medyo natawa sila kasi pang girl  binigay na name sakin, sabi ko kasi dun sa pathologist siya na bahala magbigay ng codename ko. Tapos ayun may several test akong gagawin na kailangan ng fasting, yung ibang test dun ko sa San Lazaro ko na ginawa at yung kailangan ng fasting eh sa probinsya na, at bumalik daw ako sa June 16 for cd4 counting.

1 comment:


  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete