7/08/2011

Bakit nga ba ako nagpatest?

Karamihan sa mga kasamahang kong Pusit o hiv positive, (sa susunod kong post, papaliwanag ko kung bakit pusit) nalaman lang nila na infected sila dahil sa hiv test na required para makapag work ka abroad, marami rin na late, yun bang tipong may mga kumplikasyon na like namamayat na sila, mahina na,  may pneumonia na, may tb.

Bakit ko nga ba naisipang magpatest? Nang minsang naligo ako nitong nakaraang February, napansin kong parang may mamula-mulang maliit na butlig sa legs ko, ilan lang naman 2 or 3 lang ata, pero kung bakit kinabahan ako bigla. Makalipas ang ilang araw, nawawala naman siya pero may tumutubong panibago tapos parang may nabago sakin, para bang madaling mairitate yung legs ko pag nagshoshorts ako, para bang laging may tumutusok. Lumipas pa ilang araw, bumili ako ng canesten at inapply ko dun, ayun nawala at wala atang bagong tumubo for 2 days tapos bumalik na naman. Kinakabahan na ko nun, naisip ko baka may AIDS nako pero kinakalaban ko ang sarili ko, sabi ko hindi kasi maingat ako pero kinokontra din dahil alam kong may ilang beses din akong hindi nag-ingat, isa na yung huli kong nakasex nitong January na isang Kano. First time ko sa foreigner at hindi pa ko nag-ingat hehe.

Lumipas ang araw, linggo, hindi nawawala ang kaba ko, Research, research, HIV, AIDS, STDs, niresearch ko rin mga rashes, kung nagkakataghiyawat ba sa legs, at kung anu ano pa. Yun, takot na takot ako, baka meron na nga ako pero todo deny pa rin ako sa sarili ko at pilit pinapaniwala sarili ko na imposibleng magka HIV ako. IMPOSIBLE hehe. Nakakaparanoid talaga. Grabe pagod na pagod ang pagkokontrahan ng isip ko. At sinabi ko talaga na mapapanatag lang ako pag nakapagpatest ako. Pero di ko alam kung saan, kung magkano, at kung kanino ko lalapit.

Pilit kong pinapanatag ang isipan ko at pilit tinatalikuran ang mga ganung kaisipan pero palala ng palala, kinakalimutan ko pero bakit ganun, magsisindi ka ng tv tapos biglang may balitang ganun, napakadami, at talagang lalo akong kinakabahan, and there was a time pa nga na sinabi ko sa isip ko na kapag nagbukas ako ng Yahoo at  nagtetrend yung salitang kinakatakutan ko, ibig sabihin nun meron nga akong HIV. Sabi ko naman imposibleng lumabas yun pero laking gulat ko, shocked, lumabas yung salitang yun. Sabi ko palakasan na lang ng loob to kasi alam kong hindi ako matatahimik hangga't di ako nakakapagpatest.

May 16, 2011 nang matapos na ang pagtatalo ng isip ko, nagpascreen ako at yun nga REACTIVE...

1 comment:


  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete