7/21/2011

HUMPHREY GORRICETA

Ang gwapo noh hahahaha, akalain nyo bang magkasama kami sa kwarto na tinutulugan ngayon.


Kapag ginoogle, madaming lumalabas na article tungkol kay kuya humprhey, sa totoo lang hindi ko naman siya talaga kakilala, dun ko lang siya nakilala sa lugar na tinutuluyan ko ngayon, dun ko lang din nalaman na siya pala'y sikat at nakapag disclosed na sa buong mundo. Kagabi, medyo matagal yung naging kwentuhan namin, pinikturan ko siya at nagpaalam na iboblog ko siya kaso yung kuha ko eh madilim kaya sa facebook nya na lang ako kumuha ng picture hehe. More than a week na kami magkasama sa kwarto pero kagabi lang kami nag-usap ng matagal, madalas kasi eh hiya ako sa kanya at mukha daw ayaw ko ng kausap kaya di na nya ko inaaproach, suplado nga daw ako,hahaha hitsura kong to magsusuplado pa hahahaha. Tapos ayun madami kami napag usapan, kung ano-ano, madalas may kabuluhan naman at marami din katuwaan at ilang kaeek ekan, lokohan,  hehe. Saka ko na dadagdagan ang kwento ko tungkol kay kuya, gumagabi na kasi, ibig sabihin malapit na naman akong uminom ng gamot sa AIDS hahaha. Maingay din sa internet shop na 20 per hour, at mukhang may sumisilip din sa mga sinusulat ko kaya hindi na ko makapag-isip hehe. Sa uulitin ha, salamat sa mga patuloy na sumusubaybay hehe. i love you guys.

4 comments:

  1. Pusit din po ba cxa??

    ReplyDelete
  2. Hi kuya tagal na din nung last visit q dito. Dami mu na pla new nasulat...bat hmmm..? Hehe..

    ReplyDelete
  3. I met the guy. Very vocal for the cause which i indebted him about it. Although im hoping it would be less feminine next time or a pinay or a child would voice out this disease

    ReplyDelete