8/22/2012

The Positive Man Returns



Hi fans, alam kong miss na miss na ninyo ang bago kong post, ako din miss ko na rin haha. Hindi ko alam kung bakit antagal bago ako muling nagsulat, meron naman sana akong oras para magsulat, siguro wala lang talaga ako maisulat, alam nyo naman, paminsan-minsan lang umaandar ang utak ko, (meron ba?) mas madalas walang malay.

Bahala na kayo mag-isip kung akong kinalaman ng title sa picture ah haha. Pero para hindi na rin kayo mahirapan sa kakaisip, sasabihin ko na sa inyo ang totoo, wala silang pakialam sa isa't isa, trip trip lang yan hehe. Nagtitingin kasi ako ng mga pictures sa camera ko kanina tapos ayan nakita ko, isa sa mga training na napuntahan ko kung saan alalay ako ng facilitator, ang topic ay Gender, Sex, Sexuality. Bale ang picture na nakikita nyo ay iba't ibang katawagan sa penis, yan ang mga pinagsama-samang sagot ng mga participants na karamihan ay mga doctor hehe. Wala lang, share ko lang hehe. Mahalaga din daw kasi na pamilyar ang mga health workers lalong-lalo na ang mga magiging mga counselor sa iba't ibang katawagan sa mga maseselang bahagi ng katawan gayundin sa mga sexual acts at maging kumportable sa pagbabanggit ng mga salitang ito upang lalo't higit na maunawaan ang bawat isang indibidwal lalong-lalo na ang most affected population kung pag-uusapan ang kaso ng HIV. ( Tayong mga lalakeng mahilig makipagchurva sa kapwa lalake hehehehehe.)

9 comments:

  1. i can think of other nine euphemism or innuendo for penis ^^

    ReplyDelete
  2. Hello, umm nakita ko po ung blog nio sa isang forum and sabi ok daw ung blog niyo for hiv matters.

    I had unprotected sex last week and I am so scared about it. I wanna get tested kaso natatakot ako, sabi dun sa pinoyexchange malaki daw ung needles and madaming dugo ung kukunin. I tried searching sa net pero wala ako makita about the process itself. Totoo ba yun? Does it hurt terribly?

    Takot tlga kasi ako sa dugo, namumutla ako sobra

    ReplyDelete
  3. to anonymous: di pa rin namam agad yun made-detect kasi last week lang yung risk exposure mo. try getting yourself tested after 3-6 months.

    ReplyDelete
  4. balnawalangmalay nagtetext po ako sa number nyo nung friday pa ko nagaantay ng reply! nabsa ko tong blog na to at yun nga nagdecide na ko mag pa test! naka schedule po ako dis coming monday papasama sana ako kasi takot na takot ako... last exposure ko sa "high risk" nung nov.1 pa almost mag 6wiks na tas nabasa ko sa net na pwede na ko magpatest kahit wala pa dun sa 3-6months eh tas yung tinext ko din yung sa social hygiene clinic pwedde naman daw magpatest na tas pwede ulitin sa 3months... ano nalang po masususgest nyo gagawin kong paghahanda sa sarili ko kung positive ako baka di ko kayanin ata

    ReplyDelete
  5. pwede naman kasi talaga magpatest pero yun nga kung non-reactive ang resulta eh uulit ka rin after 3 months from the date of your last exposure. Paghahanda, isipin mo lang ako na kahit positibo eh produktibo pa rin at malusog dahil pinili kong lumaban, pinili kong maging matatag kaya masaya akong nabubuhay ngayon kahit pa taglay ko ang HIV, remember nasa dugo lang yan hehe. Sorry hindi kita masasamahan kasi nasa training ako bukas hanggang sa friday. Don't worry mababait ang mga tao dun.

    ReplyDelete
  6. sir bal ako ung nagpatest non reactive sya. . ilang percent b sa tingen mu na mag negative naq sa susunud? kht non reactive kc ung test d padn ako mapakali kc un nga sbe mu may window period pa hehe paranoid po kc ako tlga sobra. . maraming salamat po sa pagsagot.

    ReplyDelete
  7. hi anonymous, only a test will tell, di natin masasagot yan. Hintayin na lang natin ang 3 months window period at kapag non-reactive ang resulta, wala nang rason para hindi mapakali. Hanap ka na lang ibang bagay na mapaglilibangan...

    ReplyDelete
  8. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete