Si Tyrone (hindi tunay na pangalan) ay nakilala ko dahil isa rin syang mangbabasa ng blog ko. At naging magkaibigan kami, nagkakatext at nagkakamustuhan kung minsan at niyayaya ko rin siya kapag may mga gatherings yung pinaglilingkuran kong organisasyon. Minsan lang siya nakaattend at hindi pa ulit nasusundan hanggang sa ngayon.
Isa rin siya pusit tulad ko. (Guys, i asked for his permission kung pwede ko ako magkuwento tungko sa kanya at pumayag siya at siya nagsabi ng gagamitin nyang pangalan. Labag kasi sa batas ang bigla-bigla ka na lang mangchichika hehe.) 24 years old na ang friend ko at halos magkasunod lang dumating ang confirmatory namin nitong June, 2011. After my confirmatory, nagdire-diretso na ako ng mga lab test hanggang sa nag-aARV na nga ako hanggang ngayon. Ang friend ko, mula nang malaman niya ang confirmatory nya ay hindi na ulit bumalik ng ospital. Mga weeks ago, kinumusta ko siya, kasi noong huling beses na nag-usap kami, ang sabi nya, magpapabaseline na siya. Ang sabi nya, napagdesisyunan na niya na hindi na magpapagamot at hihintayin na lang kung kailan siya kukuhanin ni Lord. Nalungkot ako at lahat ng pwede kong sabihin ay ginawa ko to convince him to seek medical help, habang hindi pa huli ang lahat, habang wala pang mga infection, habang maaga pa. Hindi naman parusa ang HIV at yun yung gusto kong maunawaan niya at isipin nya. Na pwede pa rin namang maging malusog siya basta tulungan din nya ang sarili nya. Okay, ang sabi nya, pag-iisipan daw niya at itetext nya ako kapag nagbago na ang isip nya.
Kanina, nagkaroon muli kami ng tsansang magkamustahan sa text. At gaya noong huling beses kami nagkausap, ganun pa rin siya. Hindi pa rin siya nagbalik sa ospital. Ipinaubaya nya sa Diyos ang lahat. Kay Lord siya kumakapit at kumukuha ng Lakas. At parating nagdarasal.
Friend, hangang-hanga ako sa pananampalata mo sa Diyos at kay Mama Mary. At alam kong hindi ka Nila papabayaan. Medyo nalulungkot lang ako kasi gusto kong maging masaya at malusog kang tingnan tulad ko sa kabila ng pagkakaroon natin nito. Gusto kong magkaroon ka ng lakas ng loob para patuloy na lumaban at magkaroon ng pag-asa. Tandaan mo friend ha, nandito lang ako. kaya natin 'to, hindi ito ang oras para sumuko.
Hanga naman ako sa suporta mo sa kanya. That counts so much. I likewise wish magbago ang isip ni Tyrone. Bal, can we be friends too? Pozzie din ako. Just diagnosed Feb 13 this year.
ReplyDelete-Ryan
(ryan_vega2012@yahoo.com)
oo naman, pwedeng-pwede
ReplyDeletekuya bal eto na po blog ko
ReplyDeletehttp://positivepoako.blogspot.com/
uu tama ka friend.. sa Diyos pa rin ako umaasa hanggang ngaun. aaminin ko madalas pa rin ako nakakalimot sa Kanya at yun ang gusto ko pagsisihan. aminin natin na mahirap, magulo at masalimuot ang buhay nating mga pusit kaya kelangan na tayo mismo ang humanak ng ikakasaya natin. masaya ang buhay dahil araw araw ay blessing mula sa Panginoon lalo na isang tulad ko na ndi nagpapagamot. magandang idea ang ARV pero ayoko magpaka-plastik pero ayoko mnaman na humaba nga ang buhay ko pero nasa dugo ko pa rin ang virus. it already changed a lot in my life. naun, masaya Ako sa suporta na natatanggap ko sa pamilya ko. masaya rin ako nakilala ko mga kapatid nating pusit. magkita tyo minsa uli bal..
ReplyDelete-tyrone
oy, kumusta ka na, thank GOD nanjan ka pa rin, bakit hindi ka nagrereply sa text ko? kelan tayo magkita?
ReplyDeleteguys please support my blog www.pulanglaso2013.blogspot.com. tnx
ReplyDeleteI was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
ReplyDeleteliver already present. I started on antiviral medications which
reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.