2/20/2012

Dear Ex

Maraming mga bagay ang dapat kong ipagpasalamat sa'yo. Unang-una, ikaw ang dumamay sa akin at naging kasama ko noong panahon na pakiramdam ko'y wala na akong halaga at pag-asa. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para magkaroon ng konting kaalaman at maging kapaki-pakinabang sa mas nakararami.
Medyo mahabang panahon din tayo nagkasama at ako'y naging masaya din naman. Katulad ng ibang relasyon, nagkakaroon din tayo ng mga problema ngunit hindi nagtatagal at naayos din. Ngunit dumating ang panahon na hindi na kayang ayusin at hindi na tama pang ipaglaban.

Masakit na humantong pa tayo sa sitwasyong nagkasakitang pisikal. Pasensya ka na dahil nasampal kita, napagsalitaan ng mga masasakit na salita. I was carried away by my emotion, nasaktan kasi talaga ko nang malaman ko that night na nagpaalam kang uuwi sa inyo only to find out na makikipagkita ka pala sa bagong boyfriend mo. I'm sorry, nagkapasa ka, i'm sorry kung masyado kong naging emosyonal to the point na wala na kong pakialam kung naririnig ako ng mga kapitbahay. Nagkapasa din naman ako hehe and yun pain in my heart is sobrang nagtagal. I'm sorry din na dumating ako sa puntong umalis ng bahay, hindi sinarado ang bahay at umalis ng walang paalam para lang mag-alala ka. Masyado rin akong depressed noong mga panahong iyon to the point na pati pag-inom ko ng ARV ay napapabayaan. Wala sa focus, walang kagana-gana.

Maraming salamat dahil kahit papaano kahit man lang sa huling beses na magkasama tayo ay naging tapat ka na mayroon ka ng iba, yun lang naman talaga ang hinihiling ko mula sa'yo, maging tapat ka dahil mas madaling tanggapin ang katotohanan kaysa sa panlilinlang. Masaya ako na maayos tayong nakapag-usap para tapusin ang ating relasyon. Ilang weeks din naman akong umasa pa at naghintay ngunit siyempre, hindi naman lahat ng gusto kong mangyari ay magaganap. Mas madali siguro akong makakapag-move on ngayon dahil alam ko na wala na akong lugar sa puso mo. Hindi naman tayo mabubuhay kung puro awa lang paiiralin natin. Salamat din sa kanya, sa bago mong partner dahil because of him, narealized mo na hindi mo talaga ako mahal at hindi talaga tayo para sa isa't isa.

Masakit naman talaga sa una pero darating din ang panahon na mawawala ang sakit at puro sarap na naman ang madarama hehehe. At ngayon, unti-unti ko na uling binubuo ang aking sarili kasabay ng mga bagong pangarap at pag-asa. Thank you sa pagiging bahagi ng aking paglalakbay sa buhay kapusitan at pasensya ka na pala kung hindi ko pa kayang makipagkaibigan sa iyo, huwag muna nating ipilit. Paalam. Goodluck sa atin.

At sa aking mga taga subaybay, maraming-maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment