7/18/2011

PUSIT

Love ko ang pusit lalo na yung inihaw na pusit tapos may palamang sibuyas at kamatis, hehehe. Hindi ko inaasahan na malaki pala ang magiging role ng pusit sa buhay ko hahahaha.


Pusit pala ang madalas na tawag sa amin/sa ating  mga hiv-positive, marami akong napagtanungan kung ano ba ang history ng pusit hahaha, hindi naman ako nakahanap ng magandang explanation. Basta nalaman ko lang na late 90's pa lang ay ginagamit na ang term na pusit sa mga positive hehe. Sabi nung isa kong kakilala, pusit daw kasi tulad ng pusit, maitim ang dugo naming mga positive hehe, echosera. Pero kung susuriin parang pinaikling positive lang din ang pusit, pinalitan lang ng "U" ang "O", anyway kung ano man ang talagang istorya nyan, kayo na lan magkwento basta ang alam ko, pusit na rin ako hahahaha.

12 comments:

  1. Just read that you are newly diagnosed. Be strong. I was diagnosed one and a half years ago, but Im still standing. Try Vit E with Selenium too. Good luck on your journey.

    ReplyDelete
  2. Strong naman ako ( paminsan-minsan hehe) malapit na akong maging okay na okay, konting panahon na lang hehe, salamat

    ReplyDelete
  3. Naranasan m b n hinihingal khit nglalakad lng? Di p kc aq ngpptest

    ReplyDelete
  4. hindi eh, hindi ko naranasang hingalin

    ReplyDelete
  5. may nasamahan ka n ba n ngpositive?

    ReplyDelete
  6. sa mga nasamahan ko na magpatest, wala pa nagpositive eh

    ReplyDelete
  7. bal may ilan taon lang ako,, kapag na una ba yun non raective sa result ng hiv mo e negative na ang result mo??? kasi nagpatest ako nun mga ilan araw lang nakipagtalik ako sa bar girl,, yun ang lumabas na resulta?? pwede po paki sagot??? please

    ReplyDelete
  8. kapag non-reactive ibig sabihin ay walang hiv sa sistema mo pero ayon sa'yo, ilang araw pa lang mula nung huling beses kang nakipagtalik. Para makakuha ka ng accurate o tamang resulta, bumilang ka ng tatlong buwan mula sa huling beses na nakipagtalik ka na walang proteksyon. Kung non-reactive pa rin ang resulta, talagang negatibo ka sa HIV. Goodluck. (Natutuwa naman ako, dumadami ang mga taong may lakas na alamin ang status nila).

    ReplyDelete
  9. noh,,wala naman nagyayari sakin, ni butlig butlig butlig walang agyayari,, daba may symtoms na agad kapg 3 months na wala kang galaw,, indi rin naman ako pumapayat,,tumataba pa nga ako,,tapos indi rin ako nag tatae,, pwede kaya maging hiv positive prin ako kung gnun khit walang symtoms????

    ReplyDelete
  10. wala namang signs and symtoms ang HIV. May possibility kung may ginawa kang risky behavior pero kung wala, eh wala. Better get tested after 3 months para makasiguro ka.

    ReplyDelete
  11. bal, did you experience weight loss?

    ReplyDelete
  12. hindi ako nakaexperience ng weight loss...

    ReplyDelete