1/29/2012

Salamat Bal

"Si Bal, si Bal, si Bal, lagi na lang si Bal, si Bal na inosente, si Bal na walang malay". Kapag nababanggit ang name ko, kailangan talaga may dramang ganun hahahaha pero alam nyo, i love my name lalo na kung babanggitin ang salitang "Salamat na susundan ng pangalan ko)...
Baltazar ang tunay kong pangalan haha (baduy noh?) pero mas nasanay na ang mga taong tawagin ako sa palayaw kong Bal, pero sabi ng tatay ko ang palayaw ko daw ay Val at hindi Bal hahahaha. Kumusta na ba ang mga walang sawang nagbabasa ng blog ko ha? Ang tagal ko rin na hindi nakapagsulat, nakakamiss at nakakahiya sa regular na bumibisita dito kapag wala silang nababasang bagong post hehe. Ayun, ako heto maayos naman. tuloy pa rin ang buhay, patuloy na umiinom ng gamot para steady lang si virus at hindi magmultiply hehe. Kumusta naman ba kayo, kaway-kaway naman diyan.

May ilang linggo rin akong masasabi kong Darkest Hours ko, parang movie lang hihihi. Nawawala din talaga ako kung minsan sa focus at nalulungkot. May ilan kang kakilala na ayun madedead na pala. Tumataas ang HIV registry sa Pilipinas, all time high ang december with 268 new case at mas dumami pa daw nitong January, wala pang nilalabas na registry. Tumataas ang gasolina, hay. Buti na lang nakakatanggap pa rin ako ng mensahe ng pasasalamat kaya nandyan pa rin ang will to survive ko hehe.

Normal lang siguro yun, dapat maranasan mo rin ang maging  malungkot para mas masarap ang lasa ng happiness. Hmm ganyan siguro talaga ang buhay, hindi naman pwedeng everyday happy di ba? Kailangang balanse pero ang importante, kung darating tayo sa puntong nalulungkot at napakaraming problema, ang mahalaga'y hindi tayo bibitaw at hinding-hindi mawawalan ng pag-asa. Masarap mabuhay lalo na kung lalagyan natin ito ng saysay. Smile tayo palagi at huwag madedepress, ok...

3 comments:

  1. bro KEEP THE FAITH! isa ko sa natulungan mo!

    ReplyDelete
  2. Wow, thanks naman kung nakatulong ako sa iyo

    ReplyDelete

  3. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete