7/22/2013

Calas






Meningitis is the most common illness caused by Cryptococcus. Meningitis is an infection of the lining of the spinal cord and brain. It can cause coma and death. Cryptococcus can also infect the skin, lungs, or other parts of the body. The risk of cryptococcal infection is highest when your CD4 counts are below 100. Cryptococcal meningitis is a major HIV-related opportunistic infection, especially in the developing world. A recent study estimated that there are 1 million cases each year. <source http://www.aidsinfonet.org
Kung bakit ko naibahagi ang impormasyon tungkol sa meningitis ay dahil inakala ng mga doctor na ang severe headache na nararanasan ko ay dahil meron akong meningitis kaya may mga test akong pinagdaanan kabilang na nga ang CALAS o Cryptococcal Antigen Latex Agglutination System.

Flashback...

July 10- nagpunta ako sa RITM para magacheck-up kaugnay ng sakit ng ulo ko, nalalapit na rin kasi ang birthday ko kaya gusto ko ay fresh na fresh hehe. Nabanggit ko sa duktor na parang may kaugnayan ang pananakit nito sa sipon at ubo ko na hindi napagaling ng  robitussin na ininom ko (nagself-medication, huwag po tutularan ng mga pusit, pacheck-up pa rin ang the best.). Pagkatapos ng interview at konting kembot ng stethoscope, niresetahan ako ng doctor ng mefenamic. Balik daw ako sa Monday kapag hindi nawala ang sakit.

July 11- Birthday ko, maganda naman ang gising ko. Hindi na sumakit ang ulo ko kaya tuloy ang ligaya. Isa-isang bumati ang mga mahal ko sa buhay kaya masaya. Nagluto ako ng lunch, pagkain namin ng mga katrabaho  (calderetang tulingan lang hehe), tapos mga 3pm nagluto naman ako ng spaghetti, may sumagot ng cake, ice cream at ng softdrinks kaya may celebration sa center hehe. Kaso naiwan ko yung camera sa bag at di na nakuha kaya wala photos. After office naman, may dinner with friends din sa Binondo kaya ang saya talaga hehehe.. Some photos hihi:









ayun paborito ko jan ang palaka, hehe.

Nagfoodtrip naman ako with friends nung weekends (July 13 at 14)



Hindi ko na sinama yung iba kasi nandun ung mukha ko baka mapangitan kayo sakin at hindi na basahin ang blog ko hehehe. Paborito ko naman jan ay ang walang kamatayang kare-kare hehehe.

July 17- Bumalik ako sa RITM dahil ulit sa sakit ng ulo, hindi na ako nakapasok sa trabaho. Nagkaroon din ng pamamaga ang mukha at pamumula ng balat na parang mapa na bumalot sa arms ko (1st time ever) pero agad din nawala nang papunta na ako sa RITM. hahaha. Then ayun na, may mga series of test daw na gagawin, sabi papa-citiscan ako, kaya daw ba (afford ko daw ba sabi nung doctor), mukha kasi ko gusgusin nung pumunta ko dun, hindi naligo at nakapambahay lang hihi pero sabi ko kaya po hihi. Nasa OPD ako nung una pero nitransfer ako sa Emergency Room haha kaya super alala mga friends ko kala ata mamamatay  na ako hahaha. Nung hapon, result lang ng CBC at ilang blood test ang meron at sabi ng duktor ay normal naman lahat ng resulta, ang CALAS ay kinabukasan pa daw ang result at yung resultang yun ang magiging basis kung icoconfine ako o hindi. Interview galore na naman ako ni dok tapos at sinabing delikado or i'm at risk kung uuwi pa daw ako, 3500Php na room na lang daw available, okay lang daw ba, eh di sabi ko lang eh go push. Eh di sabi nung nag-aassist sa akin ay kung pwede na ba kami sa room kasi gumagabi na, kapagod din naman pero nung time na yun, di naman na masakit ulo ko. Tapos may iba ulit na doktor na kumausap sakin, pang-apat na siya hehe. At based naman sa assessment nya ay pwede daw ako umuwe at kung magpositive ang resulta ay saka ako icoconfine kinabukasan. Hahaha. Ayun so nakauwe din pero may kaba, what if magpositive, ang isang fluoconazole ay 800PHp at pag malala ay 8x a day iinumin, my gosssssssssh hahahaha.

Kinabukasan, July 18, lumabas na ang result at yehey, negative naman. After konting chika kay dok, pinauwi na rin ako. Ayun...

1 comment:

  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete