4/05/2012

Si Rosa

Si Rosa, (hindi tunay na pangalan) ay isa sa mga nasamahan kong magpa VCT (Voluntary Counseling and Testing) mga dalawang linggo na ang nakararaan.
Ilang buwan na rin ang nakakaraan noong una siyang magtext sa akin at nagpapatulong. Hindi na raw nya alam ang gagawin nya. Paranoid na paranoid siya. Feeling nya positibo daw siya sa HIV. Hindi na siya nakakatulog ng maayos. Ako naman, ayun, lagi kong sinasabi sa kanya na huwag nya pangunahan habang wala pang test. Marami siya tanong tungkol sa akin, kung paano ako nabubuhay at paano mabubuhay kung HIV positive na. Ako naman, hangga't may pangreply eh sinasagot ko naman mga tanong nya. At naiintindihan ko pinagdaraanan nya dahil pinagdaanan ko rin, yun nga lang, noong mga panahong ganun ang narararamdaman ko, wala ako mapagsabihan kahit isa. Marami siyang nararamdaman na kung ano-ano noon dala marahil sa labis na pag-iisip at lahat ng iyon ay inilink nya sa HIV. Ang sakin naman, for example lang ha; 'pag ba may rashes HIV na agad, di pa pwedeng naalergy muna hehe, kapag ba nangangayayat, HIV na agad, di ba pwedeng ibang sakit o malnutrition lang hehe.

Pero hanga ako sa kanya dahil may lakas sya na loob na harapin ang kinakatakutan ng marami, ang pagpapatest. Hanga ako sa pagiging tapat nya na aminin ang mga pagkakamaling nagawa nya na nagbunsod at kumumbinse sa sarili nya na kailangan nyang magpatest, kailangang nyang harapin ang  takot nya. And GOD is so good, dahil after 3 months from her last risky exposure, heto at maliwanag pa sa sikat ng araw na NON-REACTIVE o negatibo siya sa HIV, yehey...Accurate na ang resulta after 3months from your last exposure. And sana magsilbing aral ito sa kanya para hindi na gawin ang mga bagay na nagdala ng takot sa kanya. Pwede pa rin naman makipagsex pero dapat alam natin kung paano poproteksyunan ang sarili natin. Go, go, go, Rosa.

1 comment:


  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete