7/10/2011

10:10

Ang saya. Ngayon ko mas naapreciate ang buhay. Dami din naming naging bisita, ang saya ko, ang saya ng naging birthday celebration namin.  Official photographer ako kanina pero meron din akong mga pictures ko hehe. Lumpiang sariwa lang ang sinabakan ko, yun kasi nirequest ko eh, saka ang ever paboritong spaghetti hehe. At tulad nga ng inaasahan, tanghali pa lang, may nagyaya na sa aking uminom, nasabi ko tuloy na di ako pwedeng uminom pero pwede kong magpainom hehe, buti emperador light lang ang request, at yun nagkasundo na di na ko iinom, dinahilan ko na lang na aalis ako bukas ( totoo namang aalis ako hehe). Buti na lang umuwe na sila pagkatapos ng isang litro empe. Nung bandang hapon nagdatingan naman ang ibang batch ko ng pinsan, aya uli,, eh di ayun, ganun na lang din sinabi ko,, redhorse ung mga lalake at yun mga babae kong pinsan tanduay ice naman ang gusto, haha nabawasan uli budget ko pero birthday ko naman at happy naman ako kaya go lang ako ng go pero yun nga kahit anong pilit nilang painumin ako, hindi ako nakainom kahit isang lagok lang. 10:10 title kasi ganung oras natapos ang kasiyahan dito sa bahay, solved ako sa pagvivideoke heh, lahat ng gusto ko kantahin, nakanta ko hehe. Kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ko gigising, excited ba ko sa birthday ko bukas hahaha eh sa San Lazaro ako magbibirthday hehe, may mareceive kaya akong magandang gift bukas? Sana meron hehehe. Gift na lunas kaya sa AIDS? hahaha, sana nga noh. Paano tulog na ko, hanggang sa muli mga magbabasa ko hehe kunyari meron.

2 comments:

  1. happy birthday. na mimiss ko na spag mo. hehehe. nice blog. cnxa ngayon lang nagka time magbasa. just always pray, God will help you.

    alam mo, promoted na ako.

    God bless po

    ReplyDelete
  2. thanks, may wenta ba hehe. Namimiss ko na rin spaghetti ko hehe. Congrats, treat ka naman minsan.

    ReplyDelete