Sunud-sunod ang mga napuntahan kong training lately, kahit pala sabihin gustong-gusto ko ito eh nakakapagod din pala lalo na sa utak hahahaha. So ayun, unang-una eh HIV Counseling and Testing (HCT) sa Bayviewpark Hotel sa Roxas Boulevard Manila October 16-19 kaya pwede na ako magcounseling sa mga client bago magpatest (makaya ko kaya hahahaha?). sinundan naman ng workshop training with Philippine Legislators' Committee on Population and Development Foundation, Inc (PLCPD) tungkol sa usaping Budget and Legislative Policy Advocacy na ginanap naman sa Bay Leaf Hotel sa Intramuros October 22-24 (na ewan ko kung bakit ako napasama haha pero bonggang-bongga dahil may mga nameet akong congressmen kabilang na ang isang nagpatibok ng aking puson este puso pala haha joke). Pagkatapos naman ay Peer Education Training ng DOH sa San Juan Batangas October 25-29 kung saan ang dami naming pagsubok na dinaan bago narating ang Estrellas de Mendoza Playa Resort dahil sinalubong kami ng bagyo papunta dun kasama na ang pagkasira ng tulay at pansamantalang pagkupkop samin ng mayor dun na si Mayor Manalo na talagang panalo dahil sa napakabusilak na puso at pinatulog kami sa bahay niya kahit ang dami niyang nililikas na kababayan noong mga sandaling iyon. (worth it na trip) na sinundan naman ng enhancement traing ng mga PDOS HIV Speaker na dun na rin ginanap at dahil naman sa pagkukuha-kuha ko ng mga picture ay muntik na akong maiwan sa Batangas haha (naiwan na ako ng sasakyan pero mabuti at nabalikan naman after 30 minutes, hindi nila napansin na wala pa pala ako huhu) umalis kasi sila ng mas maaga sa takdang oras na usapan.
So ayun, sa uulitin ulit. Nag-update lang ako at ngayon, pahinga muna pero kung may gala kayo today at sa long weekend, eh isabit nyo naman ako hehehe.
ReplyDeleteI was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
liver already present. I started on antiviral medications which
reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.