Hello, ayun pasensya na sa mga sumusubaybay, lagi kasing puno mga internet shops kaya hindi ako makapagblog hahahaha, may nakamiss ba? Syempre wala huhuhu, ayun masaya ako kasi nadagdagan ng isa ang followers ko, tatlo na sila hahahahaha.
Kuwento ko at kuwento ng lahat ng gustong magkuwento hehe. Mas maigi kung sisimulang basahin ang pinakauna kong post.
7/26/2011
Taksikab
Nakapunta nako sa CCP many times pero never pa ako nakapasok pero noong nakaraang thursday, sa cinemalaya, nakapasok din ako kasi may free tickets yung kasama ko sa tinutuluyan ko. Pagkapasok sa loob, ayun halos lahat ata ng mga manunuod ay bading hehe, ilang direktor tulad ni Joel Lamangan, Mario J delos Reyes, si Ogie Diaz, si Rey Pumaloy at marami pang mga indie actors ang nandun. Mag aalas dose na ng madaling araw nang magsimula ang movie at nagtapos bandang alas dos.
7/21/2011
RITM
The Research Institute for Tropical Medicine ( RITM).
Isinama ako ng isa sa mga kumukupkop sa akin nung Martes sa RITM, dahil kukuha sila ng gamot at para daw makita ko rin ang lugar nilang mayayaman haha ( mga poor daw kasi kaming taga H4 haha, biro niya) , kasama ang ex boyfriend nya na naging kaibigan nya ay tinungo namin ang lugar sakay ang kotse ng kaibigan nya.

7/18/2011
PUSIT
Love ko ang pusit lalo na yung inihaw na pusit tapos may palamang sibuyas at kamatis, hehehe. Hindi ko inaasahan na malaki pala ang magiging role ng pusit sa buhay ko hahahaha.
The Beginning of the Never-ending
Sa totoo lang hindi talaga ko fluent sa pag iingles pero trip ko lang gawin sa title ko ngayon haha. Magkwento na ako ha.
Pagkagising ko mula sa tinulugan kong bahay ay tinext ko yung number na binigay sakin ng isang miyembro ng pinoy plus para mameet ko, naghahanap kasi ako ng kababayan ko, para may makilala naman akong kababayan ko. At pagkatapos kong maligo at magpalit ng tshirt, ay nagpaalam at tumungo na ako sa lugar na pupuntahan ko nang walang brief hahahaha, tshirt lang kasi ang baon kong damit. Sa Vito Cruz station ako bumaba at mula dun sumakay ako ng jeep at hinanap ang lugar mula sa instructions nya at salamat kay Lord dahil hindi ako naligaw at yun nagkita kami sa Dian St., hindi pa kami nagkikita nung time na yun pero parang alam nya na agad na ako yung pusit at parang alam ko rin agad na siya din yun hahahaha. Hinatid lang nya ko sa center nila dahil nagmamadali sya dahil may lecture sya, pinakilala nya ko sa ilang taong nandun at umalis din agad, almost 9am na yun at sabi nya at 10 am sharp, babalik sya para mag usap kami. Ayun, kinausap naman ako ng mga tao dun tapos since nagugutom ako, sabi ko kakain muna ako at sa paghahanap ko ng makakain, ung pares kung tawagin ang kinain ko hehe. Pagkakain ko ay bumalik din ako sa center agad, at naupo, napansin nung isang pusit na parang pagod at antok ako kaya nag offer sya nung gusto ko daw ba magpahinga at may pahingahan daw sa taas. Umoo ako at tinungo ang second floor at dun sa double deck, ako'y nakapagpahinga kahit papano.
Pagod na ba kayong magbasa? Medyo mahaba yung kwento ko ngayon hehe, itutuloy ko na ha.
Almost 11am na nung dumating ang kababayan ko, kwentuhan, kwentuhan, at sinama nya ko ng sinama sa mga lakad nya, busy siya, hanggang sa nagtanghalian, mabait siya, nantreat sya ng lunch hehe at para sakin pa nga daw yung uwi nyang chowking food. Hanggang sa inabot na ako ng hapon at tanong nila kung uuwi pa ba ako ng probinsya, pwede daw ako magstay dun at mula sa plano kong sa Taguig ako magtatrial eh dun na ako sa kanilang center, kinabukasan ko na kukunin ang gamit kong pinadala ko sa kapatid ko sa Taguig, At kinagabihan, nun ko na daw simulan ang pag -inom ng ARV mas maganda raw kasi simulan kapag gabi para kung may side effect eh itutulog ko na lang daw. 8:05 sa oras ng cp ko ininom ko na ang unang gamot na Lamivudine at Zydovudine ( di ko sure ung name nung pangalawa pero letter Z sya nagsisimula hehehe) na magkasama sa isang tableta, pinakikiramdaman ko pero wala naman ako naramdaman , thank you Lord, after an hour, ininom ko naman ang nevirapine at ako'y nahiga na, nakikiramdam. Isa o dalawang oras siguro bago ako nakatulog.
First night ng trial, success. Thank you Lord.
At nung gabing yun ang naging simula sa pag-inom ko ng ARV na iinumin ko na habambuhay.

7/15/2011
July 11, 2011
July 11, 1984 nang ako ay isinilang. July 11, 2011 nang ako naman ay isinalang hahahaha.
May naghihintay ba sa bago kong post? hehe mukhang meron naman kasi may mga ilang views pa rin ako hehe. Pasensya na guys kasi eto ako nag iistart na ng trial ng ARV at nakikituloy ako sa umampon sakin habang nagtatrial.

7/10/2011
10:10
CELEBRATION
Ganado ako ngayon, kakatapos lang naming magsimba, ngayon ang handaan samin hehe,, hinihintay ko na ang inarkilang videoke at magsasawa na naman ako sa pagkain ng paborito kong spaghetti at lumpiang sariwa hehehe. Gloomy ang panahon ngayon, pero sana hindi umulan ng malakas para mas masaya, mukhang madaming bisitang pupunta, madami atang ininvite ang nanay ko hehe, kung sabagay ang dami-dami naming kamag-anak, huwag lang sana nila ko ayaing uminom kasi ayoko nang uminom at masama na talagang uminom. (malakas kasi ko uminom) At sana hindi na humantong sa pagtataka at marami pang tanong sa gagawin kong alibi kung bakit hindi ako pwedeng uminom hehe. Wow naks naman may isa nakong follower ah hehe. Sige guys, mamaya na lang uli, busi-bisihan muna ako... Batiin nyo naman ako ng happy birthday bukas ah hahahaha. Goodmorning sa ating lahat.
7/09/2011
7 11
Kwento ko lang, sa Monday kasi kailangan ko na naman ng pera, pamasahe, panggastos kasi pupunta na naman ako ng H4 sa San Lazaro. Paubos na rin yung perang binigay sakin ng nanay ko. Hiya ako humingi. Kagabi tumaya ako ng jueteng , tapos kaninang umaga, ang agang nagpunta ng kubrador, kala ko magpapablood pressure lang sakin ( marunong ako, kasi nag-aral ako ng nursing, di nga lang nakatapos,) nun pala may magandang ibabalita na tumama ang numerong tinayaan ko, 7x11. Ang saya ko talaga, nagpasalamat agad ako kay Lord, binigyan nya ko ng early gift kasi sa Monday nga kung saan pupunta nga ako ng ospital ay birthday ko rin, 7 11 (july 11). Solve na, almost 4thousand din napanalunan ko, ang iba binalato ko sa kubrador, sa nanay ko, kapatid ko at sa ilang batang nandito kanina hehe tuwang-tuwa kasi ako hehe, ung iba pinandagdag handa kasi pag-iisahing selebrasyon na lang ang birthday namin ng nanay ko at pamangkin ko, sunud-sunod din kasi, sa july 9, 11 at 12, july 10 ang celebration hehe.
7/08/2011
Bakit kailangang magpatest?
Importante, Napakaimportante ang magpatest lalo na dun sa mga taong at high risk dahil hindi maingat sa pakikipagtalik.
Ang hiv test ay boluntaryong ginagawa, Di pwedeng sapilitan, di pwedeng itest yung taong ayaw magpatest at naaayon naman yun sa batas. Kaya ako, naniniwala ako na mas marami pang may sakit na hindi pa nakukumpirma, madalas din kasi na wala namang palatandaan at sintomas ang sakit and since kakaunti lang ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV/AIDS, tahimik itong kumakalat na hindi namamalayan. At yun ang goal ko magkaroon ng awareness sa sakit ang mga tao at kung maaari nga ay di na madagdagan pa ang mga tulad naming pusit. Para mawala na rin ang stigma, at maling paniniwala sa sakit.
Kailangan magpatest upang malaman mo kung positive ka o negative, para matahimik ka na, dami kasing natatakot magpatest dahil sa magiging resulta, dahil hindi sila handa sa magiging resulta, pero hindi nga dapat matakot dahil ang pagpapatest ay paghahanda na rin, dahil paano nga kung malasin ka't positive pala, hihintayin mo pa bang lumala at magkaroon ng maraming kumplikasyon, na maging buto't balat ka na lang, na hindi mo na kayang tumayo or worst mamatay ka na lang na wala ka pang nagagawang maganda sa mundo bago magpatest? . Kung pwede namang magpatest agad at malaman ang mga dapat gawin, mabuhay ng malusog, mabuhay nang matagal, mabuhay ng tama, mabuhay ng normal, mabuhay ng may takot sa Diyos.
Basta't lagi lang tatandaan, it's not the end of the world. Habang may buhay, may pag-asa, malay natin bukas makalawa, may gamot na, basta think positive hehe. Live positive. Love life. Kaya dun sa kinukutuban at sa may risk na magkaroon, get tested tulungan natin sarili natin. Pwede nyo rin ako kontakin kung gusto nyo may kasamang magpatest, email ko nandyan, dito lang ako. ok?

Bakit nga ba ako nagpatest?
Karamihan sa mga kasamahang kong Pusit o hiv positive, (sa susunod kong post, papaliwanag ko kung bakit pusit) nalaman lang nila na infected sila dahil sa hiv test na required para makapag work ka abroad, marami rin na late, yun bang tipong may mga kumplikasyon na like namamayat na sila, mahina na, may pneumonia na, may tb.
Bakit ko nga ba naisipang magpatest? Nang minsang naligo ako nitong nakaraang February, napansin kong parang may mamula-mulang maliit na butlig sa legs ko, ilan lang naman 2 or 3 lang ata, pero kung bakit kinabahan ako bigla. Makalipas ang ilang araw, nawawala naman siya pero may tumutubong panibago tapos parang may nabago sakin, para bang madaling mairitate yung legs ko pag nagshoshorts ako, para bang laging may tumutusok. Lumipas pa ilang araw, bumili ako ng canesten at inapply ko dun, ayun nawala at wala atang bagong tumubo for 2 days tapos bumalik na naman. Kinakabahan na ko nun, naisip ko baka may AIDS nako pero kinakalaban ko ang sarili ko, sabi ko hindi kasi maingat ako pero kinokontra din dahil alam kong may ilang beses din akong hindi nag-ingat, isa na yung huli kong nakasex nitong January na isang Kano. First time ko sa foreigner at hindi pa ko nag-ingat hehe.
Lumipas ang araw, linggo, hindi nawawala ang kaba ko, Research, research, HIV, AIDS, STDs, niresearch ko rin mga rashes, kung nagkakataghiyawat ba sa legs, at kung anu ano pa. Yun, takot na takot ako, baka meron na nga ako pero todo deny pa rin ako sa sarili ko at pilit pinapaniwala sarili ko na imposibleng magka HIV ako. IMPOSIBLE hehe. Nakakaparanoid talaga. Grabe pagod na pagod ang pagkokontrahan ng isip ko. At sinabi ko talaga na mapapanatag lang ako pag nakapagpatest ako. Pero di ko alam kung saan, kung magkano, at kung kanino ko lalapit.
Pilit kong pinapanatag ang isipan ko at pilit tinatalikuran ang mga ganung kaisipan pero palala ng palala, kinakalimutan ko pero bakit ganun, magsisindi ka ng tv tapos biglang may balitang ganun, napakadami, at talagang lalo akong kinakabahan, and there was a time pa nga na sinabi ko sa isip ko na kapag nagbukas ako ng Yahoo at nagtetrend yung salitang kinakatakutan ko, ibig sabihin nun meron nga akong HIV. Sabi ko naman imposibleng lumabas yun pero laking gulat ko, shocked, lumabas yung salitang yun. Sabi ko palakasan na lang ng loob to kasi alam kong hindi ako matatahimik hangga't di ako nakakapagpatest.
May 16, 2011 nang matapos na ang pagtatalo ng isip ko, nagpascreen ako at yun nga REACTIVE...

7/07/2011
HYPOALLERGENIC DIET
Sa Monday, July 11 na nataong birthday ko rin is the last part for my counseling before ako uminom ng ARV (anti-retroviral) drugs. Lapit na akong uminom, wala naman akong choice kasi gusto ko pa mabuhay not just for my family now, pero para na rin sa mga taong kagaya ko at sa mga taong maaaring matulad sa akin kapag hindi nag-ingat. Gusto ko talaga ngayong makatulong in the most possible ways na pwede ko magawa. Kung pwede nga lang sana ako na lang yung huling tatamaan ng sakit na to at wala nang bagong cases kasi aware na lahat ng mga tao about it. Sana nga magawa ko para naman may magawa akong maganda bago man lang bawiin ni Lord ang buhay ko.
Balik tayo sa topic, sabi ni doc, for 1 to 2 months na pag-inom ko ng ARV, iilan lang pala ang pwede ko kainin kaya ngayon talaga, kinakain ko lahat ng gusto ko kainin. Ginagawa daw yun para madistinguish yung allergy sa gamot at sa pagkain. Maaari kasing may mga rashes ako pero sa food ko pala nakuha at hindi sa gamot kaya for 2 months, diet muna. Dalawang buwan na daw pinakamatagal. Binigyan nya ko ng papel wherein nakalagay dun yung mga foods that causes allergy: chicken and eggs, mayonaise, *seafoods; shrimps, squid, oyster, mussels, * certain kinds of fishes like; tambakol, tulingan, tuna, galunggong, dilis, tinapa, sardines, *certain kinds of fruits like; starwberries,citrus fruits like lemon, orange, pomelo, grapefruit, pineapple, mango, mongo, sayote, *pork in processed form like; chinese ham, salami, sausages, *milk and milk products; ice cream, cheese, yogurt, *nuts; peanuts and peanut butter, almond nuts, walnuts, *chocolate bars/ chocolate cakes and other types of cakes, brownies, *cereals like wheat bread, oatmeal, *yeast-cointaining products like beers and some wines.
So ayun, syempre naman susundin ko kesa naman mapahamak ako. Sana lang hindi ako pumayat para okay sa alright pa rin. End.

7/06/2011
51 Days
51 days na pala ang lumipas mula nang malaman kong positive ako. At mula nang araw na yun, kanina lang pala uli ako inutusan ng tatay ko hehe, tagal na rin akong walang ginagawa sa bahay hehe. Tangi ko kasing pinagkakaabalahan eh laro sa fb na cityville, i'm approaching level 68 na hehe, panunuod ng videos ni Charice, check ng mga sites nya for the latest updates, pep at ilang sites for the showbiz balita, twitter. At ngayon nga, sinusubukan ko na magblog hehe. Pasado kaya? Eh siguro since nga nakita na nila na nagiging normal na ulit ako eh di wala na ulit ako special treatment sa bahay hehe, yun nga naglinis ako ng galunggong kanina at nagprito nito. Mukha ngang pabalik na ko sa paborito kong ginagawa, ang pagluluto. Pero ayoko pa rin talagang humawak ng kutsilyo, takot pa rin ako baka mahiwa pa, mahirap na hehe. Malaki talaga ang nagawa ng Pinoy sakin sa pagiging positibo ng pananaw ko sa buhay ngayon sa kabila ng sakit ko. Wala ako masyado masulat ngayon, may bumabasa na kaya ng blog ko, sana meron na at sana hindi ako isumpa nung nakabasa na dahil sa sobrang walang kwenta ng blog ko hahaha? Kung meron na bumabasa, sana comment naman kayo tapos email nyo na rin ako hehe, tapos kung may mga mali akong nasabi, pakitama na rin ah, alam myo naman below average lang ako hehe. Magandang araw sa lahat. Happy reading.
7/05/2011
MULING SUMIKAT ANG ARAW
Kahapon, 3am ako gumising at 4am naman ako natapos maggayak dahil babyahe ako paluwas ng Manila. Marami pa rin ako pangamba sa paglalakbay ko papunta sa San Lazaro para sa aking ikalawang counseling. Bago mag alas otso ay nakarating na ako, nung oras naman na iyon ay nasa v mapa pa lang daw ang mga kapatid ko,( manggagaling sila sa bahay ng ate ko sa Taguig) So kumain muna ako sa kainang malapit sa ospital. Special goto inorder ko na parang di naman talaga ispesyal hehe at isang C2. Pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa lugar namin sa San Lazaro...
7/03/2011
ARV
Thursday, June 23, bumalik ako for the result ng cd4, 6 am nandun na ako kasi madami daw dun pupunta kasi nga release din yun ng gamot at maraming kukuha, at suwerte at number 6 naman ako kaya di ako aabutin ng hapon.
CD4 count
Base sa nabasa ko at sa paliwanag ng doctor, ang cd4 count daw ay ginagawa sa HIV patients to determine how the HIV infections is affecting our immune system, yung normal cd4 count daw is above 1000. Dun din malalaman kung kinakailangan mo nang magtake ng ARV na sa susunod ko nang post mas pag uukulan ng pansin.
San Lazaro
In less than two weeks mula sa 3 weeks na palugit before ko daw malaman yung confirmatory test, eh nakuha ko na yung result, ayun eh di naconfirm na nga, hindi nako masyado nagulat, parang expected ko na rin hehe. Tapos sabi nung pathologist, pili daw ako mula sa RITM, PGH o San Lazaro pero sabi nya sa San Lazaro na daw ako pumunta para sa counselling at para malaman ko daw kung ano dapat kong gawin,, so nung Monday, June 6, 2011 mula sa ilang oras na paglalakbay at pagtatanong, narating ko sa kauna unahang pagkakataon ang San Lazaro Hospital, H4 pavillion, for the HIV patients.
Gastos
Hindi lang ung mismong karamdaman mo ang poproblemahin mo eh, kailangan mu rin ng pera, kasi hindi lahat ng test eh libre. So ayun, kailangan lagi may dalang pera, madami na rin akong nagagastos lalo na nga"t nasa probinsya pa ko ngayon pero hindi naman kalayuan sa maynila. So pati pamasahe dagdag din sa gastos, eh wala naman din ako trabaho. Kakahiya nga sa magulang ko eh pero sabi nila tuloy ko ang laban so itutuloy ko.
Pagbabalik -loob
Aminado ko, dami kong kasalanan sa Kanya, mahigit isang dekada kong hindi nagsisimba at hindi nagdadasal tapos ngayon lang ako uli nagbalik-loob, nagdadasal at nagsisimba. Sana mapatawad na Nya ko sa lahat ng mga kasalanan ko. Siya lang ang tunay na magbibigay ng pag-asa at liwanag satin. Huwag nating kalimutan tumawag sa Kanya.
Pag- amin
May 16, 2011 pa rin, pag uwi ko sa bahay, walang kibo, nung umalis kasi ko nagpaalam lang akong maglilibot sa kaibigan at masaya pa. Pag-uwi ko, buo na yung loob ko na sasabihin ko sa magulang ko yung sitwasyon ko so pagdating ko, sabi ko nay kakausapin ko kayo ni tay, nung time na yun eh may bisita pa si tay, si nanay kinakabahan na kaya di na makapaghintay pa kaya una ko nang sinabi sa kanya, minessage ko din pala sa facebook ate ko, so ayun bago ko sinabi na positive ako, sinabi ko muna yung tunay kong pagkatao na bakla ako, discreet discreetan pa kasi, tapos bumigay nako sa pag iyak kasabay ng pagsabi ko na may AIDS ako, aids ung sinabi ko kasi mas madali nyang maiintindihan, so ayun iyakan, iyakan tapos mag gagabi na, hindi nako lumabas ng kwarto, di nako naghapunan, parang wala munang nangyari sa kanila kasi may bisita pa kami. Kinabukasan dumating si ate at ako naman bumalik sa hospital kasi kailangan ko pang magbayad sa doctor, wala kasing request ng physician nung nagpatest ako eh hindi naman pwedeng magforward daw sa DOH na walang request ng physician yung hiv screening. Nagbayad ako ng 300 for doctor's fee at yun, counselling ulit. Tapos pag-uwe ko, si ate lang naabutan ko sa bahay, umattend kasi ng kasal yung family ko tapos ayun first time ata akong niyakap ni ate sabay iyak at nagsosorry kasi wala daw siya magagawa para pagalingin ako at siyempre iyakan to the max na naman. Higit sa isang linggo siguro kong araw araw umiiyak, tinatry idivert yung atensyon sa ibang bagay pero wala pa rin sobra pa rin ako nalulungkot, may isang laro sa fb na pinagkakaabalahan ko, cityville hehe level 66 nako dun ngayon hehe
Reactive
May 16, 2011 when i decided na magpa HIV screening sa isang hospital para matapos na rin yung walang katapusang pag- iisip ko kung positive nga ba ako o negative sa HIV. At sa wakas nga, natapos na rin, yun nga lang Reactive.
7/02/2011
Simula
Ako si Bal, madalas tawaging bal na walang malay hehe, i'm 26 na. Today July 2 2011, sinubukan kong gumawa ng blog para masabi ko mga gusto ko sabihin, baka din sakaling may mga taong handang makinig, malaman kung ano ba ang saloobin ko o ng mga taong tulad ko na HIV positive. Baka rin makatulong ako sa mga taong maraming tanong na bumabagabag sa isipan tungkol sa usaping HIV. Bale ito na yung parang magiging diary ko sa paglalakbay sa araw araw na buhay bilang isang HIVpos. Welcome sa blog ko hehehe
Subscribe to:
Posts (Atom)