12/31/2011

HAPPY NEW YEAR

Ilang oras na lang, bagong taon na. Nakapagmuni-muni na ba kayo. Kumusta ang naging taon ninyo, naging masaya ba? malungkot? mahirap? produktibo? bongga?.

12/22/2011

Ang Kuwento Ni Tyrone

Si Tyrone (hindi tunay na pangalan) ay nakilala ko dahil isa rin syang mangbabasa ng blog ko. At naging magkaibigan kami, nagkakatext at nagkakamustuhan kung minsan at niyayaya ko rin siya kapag may mga gatherings yung pinaglilingkuran kong organisasyon. Minsan lang siya nakaattend at hindi pa ulit nasusundan hanggang sa ngayon.

12/13/2011

December to Remember

Ilang araw na lang, Pasko na, dati-rati,  hindi ako excited pero ngayon excited ako hahahaha. Ewan ko ba, ang dami ko talagang dapat ipagpasalamat ngayong taon at ang dami talagang magagandang experience at opportunity na naexperience ko dahil sa lifetime achievement award ko hehehe (HIV). One of a kind talaga kaya i love my virus talaga hihihi.

Eto pa: June this year noong una akong kinuhanan ng CD4 count, 316, and 6 months after, kahapon, cd4 ulit, hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy hehe, ang saya ko, akala ko nanghihina ako eh and i'm so happy na from 316 eh 537 na siya, hehe, mataas-taas na. Thank you Lord. Miss ko na blog ko, medyo busy pa ako kaya di ko pa maasikaso. Next year na siguro ko babawi. Bye bye muna.

11/24/2011

RECOLLECTION DECEMBER 17-18

Mga positibo sa HIV, more sa mga bago at sa mga nadedepress pa sa sitwasyon. iniimbitahan ko kayo na dumalo sa Recollection sa December 17-18, 2011 from 3pm ng Sabado, hanggang 3pm ng Linggo. Ito ay gaganapin sa Hospicio de San Jose, malapit sa Ayala Bridge, pwedeng lakarin from SM Manila. Please contact Bal at 09321383961 for more information. Kita kita tayo. Ito na ang final venue.

11/01/2011

Taga Saan Ka? Dito ka Maaaring Magpatest

Angeles Social Hygiene Clinic
Dr. Lucielle Ayuyao - Social Hygiene Clinic Physician / Add: 1-20 Cristina Drive, Villa Teresa Subd. Angeles City / (045) 3222979 Mobile # 0915-9872100

Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC)
Dr. Manuel C. Factora - Medical Center Chief; Dr. Maria Lorena L. Santos - HIV AIDS Core Team Leader / Add: Gov. Pack Rd. Baguio City /(074) 4423165; 4424080; 5236077; 5234103; 4428342 Mobile # 09175072326

Cagayan Valley Medical Center (CVMC)
Dr. Emmanuel F. Acluba - Chief of Hospital; Dr. Teresita Reyes - HIV AIDS Core Team Leader / Add: Cagayan Valley, Tuguegarao City / (078) 3213561 – 64; 3213560;8053560 Mobile #: 09176280924

Caloocan Social Hygiene Clinic
Dr. Zenaida Calupaz - Social Hygiene Clinic Physician / Add: Mabini St. Calocan Health Dept. / 2888811 local 2281 Mobile # 09176018331

Research Institute of Tropical Medicine (RITM)
Dr. Remigio M. Olveda - Executive Director; Dr. Rossana A. Ditangco - Head, HIV Research Unit / Add: Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City / 8072628 -32; 8072636; 8097599; 8422245; 8072628 local 414 /208 Mobile # 0927510028

10/20/2011

OPD sa H4

Mga kapusitan na ang hub ay sa San Lazaro, Ang OPD for October 21 is moved yesterday at ang OPD sa October 27 is moved at October 25 (tuesday). Nalate kong sabihin, pero habol pa ang sa next week at sa di pa nakakaalam, ang place of consultation ay nilipat na sa lugar na tinawag nilang medical library pati rin ang waiting area ay hindi na dun sa lugar na may tent. Binuksan na yung lugar na dinadaan natin sa gilid kung gusto natin magshort cut papunta sa H4. So yun lang. Bumobongga na ang H4 ah hehehe.

Recollection on December 17-18, 2011

Mga kapusitan, invited kayo sa upcoming recollection sa darating na december 17-18, 2011. Ang pinagpipiliang venue ay sa Angono, Rizal or somewhere in Cavite. Nakapag-invite na ako sa RITM at H4 pero ang nasabi kong venue ay sa Tagaytay, sorry po sa nasabihan ko sa Tagaytay ah, di pala dun ang venue pero alam ko naman kahit saan ang venue, kung ang layunin nyo ay gamutin o buhayin ang inyong natutulog na pananampalataya at makapagnilay-nilay at hindi para maglibot lang ay walang magiging problema. So ang meeting place ay pag-uusapan pa lang at as usual wala naman po tayong gagastusin so kung gusto nyo, just text me:09321383961, regular din naman akong bumibisita sa San Lazaro at RITM so kung kilala nyo ko, bal is the name.

Ayoko na, Pagod na ako

Kumusta na kayo, ang tagal ko nang hindi napapasyalan ang aking blog and happy naman ako na may bumibisita pa rin dito hehehe. Nagiging busy na talaga ko hehehe pero hindi ko inaasahan na darating ako sa punto na sasabihin kong "ayoko na, pagod na ako". It happened a week ago, masyado ata akong napagod at naistress nung araw na yun at parang ayoko nang mabuhay hahaha. Emote to the max talaga ko. It lasted for a day pero pagkagising ko, ayan, bagong pag-asa, at naisip ko, maraming umaasa sa akin, marami pa akong matutulungan at may sumusubaybay pa ng aking blog kaya go, go, go na ulit ako hehehe. Kumusta na kayo, emai naman kayo sakin ng sarili nyong kuwento: balnawalangmalay@ymail.com. That's all. Thank you and kaway kaway.

10/04/2011

12th RECOLLECTION ''NATURE'S HEALING''

Hi guys, goodmorning, iniimbitahan ko ang mga bagong diagnosed o kahit na sinong positive na nalulungkot o nawawalan ng pag-asa na gustong umattend ng Recollection this coming Saturday, 9am to 5pm, gaganapin sa Forest Garden ng Daughthers of Charity, 8486 East Service Road, Km 18, South Luzon Expressway, Sucat, Paranaque. Wala po kayong babayaran, may food na rin for us.

Heto instruction: Kung manggagaling kayo ng pasay taft, hanapin nyo ang jeep sa may side ng Sogo ha,, hindi sa side ng Metropoint, tapos, may mga jeep dun na dadaanan, ang nakalagay Bicutan, Sucat at Alabang, at may nakalagay na KALIWA sa jeep, yun ang sasakyan nyo, huwag yung Alabang Kanan okay, yung pamasahe ay  16 or 17, sabihin kay manong driver, ibaba po kami sa Daughthers. Kung alam nyo namang sumakay ng lumang train, sakay kayo sa side papuntang Alabang pero sa Bicutan Station kayo bababa, and then from bicutan, may mga jeep na papuntang Sucat at Alabang, 8 pesos na lang ang pamasahe, sabihin sa driver ibaba kayo sa daughthers, sa may simbahan. May lugar kasi na Daughthers talaga at kahit dun kayo ibaba ni manong driver, konting kembot na lang para makapunta ng simbahan. Kung sa Alabang naman manggagaling, sakay sa jeep papuntang bicutan o pasay taft at may nakalagay naman sa jeep, KANAN, dun kayo sasakay para dadaanan talaga ng Daughthers, maliwanag na ba guys? Kulay green ang gate ng Provincial House o ng Daughthers of Charity ha. Sa manggagaling naman pala ng North Avenue o Quezon city at mag-eMrt, pwede kayo bumaba ng Magallanes station and from then hanapin nyo na lang ang mga jeep na biyaheng sucat, alabang, kaliwa, okay guys...at kung may karagdagan pa kayong tanong, just text me: 09321383961, Bal is the name,.. See you there guys...

10/03/2011

IT'S SHOWTIME

September 30, 2011, 10AM...
OPAP Landbased
46 participants

Sinalang na ako as speaker and sinimulan ko ang aking paglelecture sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang,, ganoon pala ang patakaran dun kapag umaga ang pagpi PDOS, haha, puro sa hapon kasi ako nasasalang ng madalas, at ang pagli-lead ko naman ng awitin ay naging maayos at ayun, sinimulan ko na ang aking speech ( speech daw oh, hahahhaah) sa pamamagitan ng greetings, pagpapakilala sa aking sarili at mga kasama at pagpapakilala sa aking organisasyon. Then konting brainstorming and in 20 minutes, nagawa ko naman ng maayos ang aking paglelecture sa kabuuan.

Tanghali, nagspeaker uli ako, and almost 60 naman ang aking participants, okay na okay, nasa mood ako, at lalong nasa mood yung mga participants ko, ang dami-dami nilang tanong hahahaha, halos maloka ako, pero keribels pa rin, and i think it really helps talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo dahil magrereflect yun and ayun, sa kabuuan naging maayos pa rin...

P.S.
Ginawa kong magpasalang agad sa paglelecture dahil hindi ko talaga matanggap yung naging score ko from my co-participants, parang pinagkaisahan nila ako and after the two HIV 101 among OFWs, ayun finally naging okay na rin ako. Maya-maya ay maglelecture uli ako, wish me luck guys,, bye....

ANG PAKIKIPAGSAPALARAN SA BAYVIEW

Kumusta, tagal na ng last visit ko dito ah pero in fairness, nadagdagan ng isa ang mga followers ko hihi. Kumusta na kayo, ako okay naman, natapos na ang training namin sa bayview, nagsimula noong september 24-26 pero 27 na kami nakauwe.

9/21/2011

GUSTO MO MAGPATEST PERO NAHIHIYA AT NATATAKOT KA...

Ako, hiyang-hiya talaga, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na magpapaHIV test ako nun hahahaha pero siguro labo-labo na kasi afraid na afraid na ako nun eh saka kinukutuban na rin talaga ko saka halos hindi na makatulog sa pag-iisip eh kaya ayun talagang nagpatest ako, at walang kasama, sa accredited na ospital sa aming probinsya hehe...

TOT

Sensya na sa aking mga followers, are you still there heheheh? ang dalang ko na mag- update, namamalimos pa kasi ko pampili toptop para makapag update nang madalas eh hihihhi. May balita ako sa inyo, alam nyo ba sa pag-aassist ko sa mga PDOS, ayun naging qualified ako sa TOT  o Training of Trainers, apat na araw akong matutulog sa aircon room, sa wakas hahahaha. Pagkatapos ng training at pumasa ako, pwede na ko maglecture sa mga seafarers at OFWs during PDOS about HIV, naman di ba hehe. Kaya pag pray nyo na pumasa ako ha, salamat, salamat in advance hehehe.  Sana pumasa ako, para talagang authorized akong magsalita ng tungkol sa HIV, di ba di ba? heheheheh

Ang Paglipat

I have spent 3 days sa pag-aayos ng papers ko sa San Lazaro, 1st day, hindi ako umabot sa oras tapos nung nakaraang OPD dun, umabot naman ako sa oras, kaso pinabalik pa ako kinabukasan ulit para daw maayos lahat ng mga kakailanganin ko sa paglipat, yes guys

9/09/2011

BAGONG PUSIT

This coming saturday, september 10, 9am may gathering para sa mga bagong pusit kaya kung meron sa inyong bago na nais sumama for some talking, some counseling and some everything, kayo'y aking inaanyayahan na dumalo sa Asilo de San Vincente de Paul, along UN avenue, bababa kayo ng UN lrt station, tapos kapag nakita nyo ang UCPB na sign katabi ng Medical Center Manila, dideretsuhin nyo lang yun ng dederetsuhin at kapag nakita nyo na nag petron, ibig sabihin, malapit na kayo o kaya naman sa UN mismo ay may mga pedicabs na nagsasakay papuntang Asilo, itext nyo lang ako, maganda to, pramis. 09321383961. may snacks and meals din dun for free kaya hindi tayo magugutom, okay.... see you....

8/29/2011

Siesta

Haba ng bakasyon kaya  umuwi ako nitong nakaraang sabado sa probinsya namin. Nasurprised naman sila sa pagdating ko at syempre natuwa kasi hindi ako nagpasabing dadating. At may pasalubong ako, tatlong chicharon na binili ko sa bus-stop at duguang daliri hahaha, kung bakit ba naman kasi eh kung saan ba nasabit ang hinlalaki ko, ayun at hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay duguan ang kamay ko. Eh di ayan na nga, pagbaba ko ng traysikel pauwi sa bahay, diretso agad ako sa banyo hahaha para mahugasan ang duguan kong kamay, yun ang eksena ko hahahaha at yun pagkatapos kong malagyan ng ban aid sa tulong ng aking ina ay saka pa lang ako nagsalitang surprise, im home hahahhahaha. Kahapon ng umaga, nagpunta kami ng bayan para bumili ng mga makakain, gusto ko kasing kumain ng ginisang mais na may dahon ng ampalaya at papaitan na may asim ng alibangbang. Bumili din ako ng maraming gulay kasi pala'y lagi nahihigh blood at mataas ang cholesterol ng nanay ko, Lord pagalingin nyo po siya ah, thank you po, amen.

Maya-maya ay luluwas na rin ako pabalik ng Manila dahil may trabaho na ulit ako bukas at salamat naman dahil maganda na ang panahon ngayon, nagpapakita na ang araw.

8/27/2011

Glam for Life

Last night, isa ako sa naatasang magbigay ng red ribbon which symbolizes HIV awareness sa SM Megamall cinema 9, meron ba sa inyong nalagyan ko ng ribbon o nabigyan ng condom hehe? Alas sais na ng gabi nang ako ay dumating dun, andun na sila Maria Isabel Lopez at ilan pang mga may pangalang tao, ako lang ang nameless hahahaha. Ayun, nakita nyo ba ako? Hahahaha. Ako yung pinakacute dun bwahahaha peace.

May booth kami dun nakita nyo ba? Nagpapicture ba kayo for souvenir sa booth namin at ehem nagdonate naman ba kayo para sa tulad kong mamamatay na dahil sa AIDS bwahahahahaha. Ang dami ko rin pictures dun, hahahhaaha hanapin nyo na lang sa facebook yung wacky pix tapos yung mga pictures ng glam for life, hulaan nyo na lang kung sino ako dun hehehehehehe, pati si Lara Quigaman nagpapicture sa booth namin. hehehe

Salamat sa nakiisa ah, at sana nag-enjoy kayo sa movie, ako'y matutulog na dahil tapos na akong uminom ng gamot  ng mga may AIDS hahaha. Goodnight.

ASILO

Hi sa inyo kumusta, dami ko ginawa kahapon, kapagod pero fulfilling, kahapon ng umaga, pumunta ko sa Asilo, nakapunta na ba kayo dun? Somewher in UN Ave sya located,, tumulong ako maglinis at mag-ayos ng magiging office o kalinga center namin dun na may layuning magbigay ng counseling sa mga taong positibo.  Kaya kapag totally naayos na siya eh sana maimbitahan ko kayo dun lalo na yung nangangailangan ng peer support or ng spiritual na counseling.

Tapos na kaya nilang ayusin yun? hehe kinailangan ko kasing umalis after lunch dun kasi magpipdos naman ako tapos after pdos nga ay tutungo naman ako sa event sa SM Megamall. Nagiging busy na talaga ko, hahaha.

8/24/2011

Si HIV at si SM Megamall

Ipalalabas daw uli sa SM Cinema yung indiemovie ni Jake Cuenca, HIV ba ang title nun? Kaya sa walang ginagawa dyan o hindi busy sa Friday, pwede kayong pumunta sa SM Megamall, hindi ko alam kung saang cinema eh, ifofollow-up ko pa at kung magkano ang ticket,, may booth daw kasi dun yung isang support group ko at malamang makita nyo ko sa booth na yun dahil isa ako sa naatasang magbantay, kaya sa friday night ha, kita- kits tayo guys, siguro mga 7pm nandun na ako, sana makapagblog ako bago dumating ang araw na yun to give more accurate details, basta kung nagbabasa kayo ng blog ko at gusto nyo ko makilala ng personal, approach nyo lang ako, Bal is the name, the name you can trust hehehe. Busy-busyhan na rin kasi talaga ko eh gaya bukas schedule ko sa DFA ng passport renewal ko tapos sana maasikaso ko na rin ang mga papers ko para makalipat na sa RITM, ayun guys. Happy reading............

TESTI

Kaninang umaga bandang alas nueve ng umaga, pagkatapos kong inumin ang aking mahiwagang vitamins ay humarap ako sa labingpitong mga future caregivers, sa harap nila nagkuwento ako ng buhay ko, sa harap nila nagdisclosed ako at sinabing HIV positive ako. First time ko yun ginawa at di ako makapaniwalang nagawa ko naman ng maayos, nasabi kong nagawa ko ng maayos sapagkat nakita kong lahat sila ay nakikinig at sabi nga nila, may napulot silang aral at ang pinakanakakatuwa pa ay first time nilang nakakita ng pusit sa totoong buhay kaya star na star naman ako kanina hahahahaha. Ayun, nagsimula akong nanginginig pa ang tinig since first time ko nga pero naging kumportable din ako nung kinalaunan lalo na't nakita ko sa mukha nila ang pagkakaroon ng interes na makinig sa kuwento ko, at dala marahil din ng pagkabigla since ang tulad ko palang napakahealthy na tignan ay isa pa lang HIV positive. Tapos nung matapos ang speech ko, ayun marami silang tinanong at sinagot ko namang lahat base sa mga nalalaman ko at naexperience ko,, nag-enjoy talaga ko kasi feeling ko may essence pa rin talaga ang buhay ko, woooooot nagiging dramatic na naman ako (paused sa pagsusulat kasi ay naiyak hahaha joke lang). Nagbabasa kaya sila ngayon ng blog ko? kasi may humingi ng blog ko hehehehe. Kung nagbabasa man ang ilan sa mga estudyanteng kausap ko kanina, kaway sa inyo hehehe salamat at binigyan nyo ko ng pagkakataon na maibahagi ang karanasan ko sa inyo. Salamat guys and God blee us all.

P.S.
Napuyat ako kagabi, magkahalong excitement at kaba kasi eh kasi nga magtetestimonial ako ngayong araw, buti na lang naging maayos ang lahat, yehey.

HIV MINISTRY

Kahapon ang pormal kong pagsisimula ng trabaho ko sa Daughters of Charity, HIV Ministry, ayun masaya, excited. the first task na ginawa ko ay nilinis ko ang table ko hehe, for the first time in my life, ngayon lang ako nagkatable hehehe saka pinagbuti ko ang paglilinis ng table hehehe, nung matapos ako, ang sumunod ko namang task ay ang pag- eencode, kabado ko kasi alam nyo naman,tatanga tanga lang ako, hindi ako talaga marunong magcomputer, nagpapanggap lang na marunong hahahaha tapos ayun, ganun pala yun, madali lang din pala hehehe. Tapos eh di ayun, Lunch time na, ang saya, kasabay kong kumain ang mga madre kaya ako na daw ngayon si sister Bal bwahahaha hahahahahaha.. Tapos pagkakain ay bumalik na ako para mag-encode ulit tapos ayun, di ko namalayan 5pm na pala at pinauwi na ako ni Sister Amy. Bago umuwi ay sinabi nya sakin na magtetestimony daw ako kinabukasan sa mga caregiver students tapos ayun ibinigay na rin nya agad ang first pay check ko hahahaha na inilagay ko sa angpao pag-uwi ko sa bahay. Ikukuwento ko ang naging testimonya ko kanina kapag nagkaroon ulit ng time. Bye muna guys...

8/18/2011

CBC and Blood Chemistry

nakatapos na ako ng 1month sa pag-inom ng gamot kaya ayun nagpa complete blood count ako at blood chem at ang result, whooooooooooooooooooooooooooooot, ang ganda, nasa normal lahat kaya ganado ako, ganado ako hehehehe thank you Lord, oi mga pusit, kumusta naman kayo, share naman kayo mga istorya nyo, i email nyo sakin yunng story nyo ha, di ba buhay nating mga pusit to kaya kwento rin kayo ha para lalo tayong mainspire. Sige guys log-out na ako, sa uulitin, i have to come out naman with a great story next time parang nagiging walang kwenta na mga post ko hehe, tingin nyo?

Tara kaibigan, usap tayo

Kung may mga katanungan kayo tungkol sa sakit, kailangan nyo ng makakausap or anything basta wala lang bastusan hehehe feel free to text me basta pakilala kayo ha para mas madali nyo ko macontact 09321383961. okay para kahit hindi ako madalas makapagblog eh may communication pa rin tayo, okay ba?

Untitled

Hay sa wakas, nakapagnet din uli, pasensya na kayo guys, naging sobrang busy lang, may dumadalaw pa ba sa blog ko hehehe. mukhang may nagtitiyaga pa rin,, half a month akong hindi nakapagnet but now i'm back... Kumusta naman, 5 na ang followers ko hahahahahaha, like it like it. Sana mamanage ko ng maigi pa rin yung blog ko kahit nagiging busy na ko, wala kasi ko sarili laptop eh kaya nahihirapan din ako. Oi ano balita sa inyo, ako eto ok naman, may aids pa rin bwahahahahaha. Alam nyo ba isa ako sa mapalad na hindi nagkaroon ng side effect sa pag-inom ng nevirapine hehehe at natapos ang isang buwan ko with flying colors hehehehe, walang rashes and walang everything hehehe,love it, love talaga ko ni Lord, i love you Lord. Ayun naging busy lang talaga, nagvovolunteer ako sa PAFPI ngayon at Daughters of Charity HIV Ministry. Baka swertihin din akong mapabilang sa TOT (training of trainers) para soon ako na maglelecture sa PDOS (pre- departure orientation seminar), oh di ba astig, akalain ko bang kung kailan pa ako naging pusit saka pa magkakaroon ng direksyon ang buhay ko, may nagsabi pa nga na mga pari at madre and i quote : HIV is God's blessing and tama talaga kasi it provides an opportunity para magreflect tayo sa buhay natin at magsimula ng proseso ng pagpapaunlad sa sarili. San ka pa? oh yeah di ba.

8/01/2011

hindi ko pala to nalagyan ng title hehehe.

Kaninang umaga, nagkaroon ako ng pagkakataon para makapag-observe ng isang lecture tungkol sa HIV at dito nagtatapos ang aking kwento hahaha joke lang. Ayun,  ganun pala yun. Mukhang kaya ko rin ang maglecture pero marami pa sigurong training na pagdaraanan, medyo nabitin ako kasi limitado lang ang oras. Pagkatapos nun, may nabasa akong text, kailangang kong umuwi ng probinsya for some important reasons kaya dali-dali akong umuwi dahil may hinahabol akong oras, sa kamalas-malas naman lahat yata ng mga mababagal na sasakyan ang nasakyan ko kaya hindi ko rin naihabol ang hinahabol ko. Balak ko sana bumalik din agad-agad kaso bukas ko na ng umaga magagawa yung dahilan ng pag-uwi ko. Kung sabagay namiss rin ako ng tatay at nanay ko hehe at syempre namiss ko rin sila. Ayus din kasi balik blogging ako, kaway sa mga nagbabasa ngayon sabay kindat hehe, yun nga lang napostpone yung appointment ko bukas kay sister, buti na lang naintindihan naman nya at nireschedule na lang ako.So paano, tulog na muna ako, tapos na kong uminom ng gamot, kayo ba hehe? Goodnight everyone.

Volunteer

Saturday morning, ganado akong gumising, excited dahil magmimeet kami ni Sister Amy, pagdating ko ng Pasay taft, nagpaturo ako kay kuya from support group kung paano pumunta sa lugar nila Sister Amy, ang Daughters of Charity, at sa jeep kung saan may nakalagay na sucat kaliwa/ alabang ako sumakay, toinks sa kalahatian ng biyahe biglang nag-alarm, 9am na pala, inom na ako ng gamot laban sa AIDS hehe, at pasimple akong uminom ng gamot sa jeep hehehe. Sa tulong ni Lord at sa madalas kong pagpapaalala kay manong driver ng jeep, narating ko naman ng maluwalhati ang lugar at di ako nalugar.

Maaga ako ng 30 minutes mula sa 10 am na appointment ko kay Sister Amy. Toktok sa gate at agad naman akong pinagbuksan ng mabait na guwardiya, tinuro nya sakin ang lugar kung saan ko maaaring makita ang aking pakay. Nagtanong ako sa magiliw na madre sa information nila at tinawagan na nya. Habang naghihintay ay naupo muna ako sa upuan, mayamaya, may 2 batang dumaan na bumati sa madre ng magandang umaga at pati na rin sa akin, kabubuting bata. Ilan pang sandali ay nagkita uli kami ni Sister Amy.

Mahaba ang naging kwentuhan namin, masinsinan, mayamaya pa'y inaya na nya kong pumunta sa working area nila at narating namin ang lugar after ng mahaba-haba ring lakaran, sa 4th floor gamit ang hagdan, si sister mas malakas pa sa akin hehe at tinanong ko siya, ginagawa daw nya ang baba-akyat for like 20 times a day, amazing di ba.

Pansamantala nya kong iniwanan sa taas para harapin naman ang iba pa, iniwan nya sa akin ang isang task, gagawa ako ng short life story ko at ng application letter para maging pormal ang pagvovolunteer ko. Bandang alas tres ng hapon nang ako ay umuwi baon ang bago at masayang karanasan ko sa lugar. Baon ko rin pala ang payong ni sister dahil nawala ko ang bagong bili kong payong, mahal pa naman nun, 50 pesos heeheh.

Ang Mahiwagang Dugo

Magandang gabi sa ating lahat, namiss ko kayo, ako namiss nyo ba? Medyo matagal tagal din akong hindi nakapagblog, medyo nagiging busy din. August na pala. Mag-iisang buwan na pala ang blog ko at may tatlo na akong followers hahaha.

July 27, 2011 ng umaga pagkagising ko, para kong naduduwal tapos ayun nagpunta ako ng banyo at sa isa kong pagduwal, bulaga, may lumabas na dugo. Natakot ako, natakot talaga. Dumudugo ba ang mga internal organs ko? may colored tv na ba ako? ano ba ito? Tinignan ko sa salamin, ayun may dugo pero parang nanggagaling sa gums tapos ayun, naligo ako kasi may imimit akong taong tutulong sa akin. Kaya 9am narating ko ang Hospicio de San Jose dahil dun ko imimit si Sister Amy. Pagkatapos ay tutungo ako sa San Lazaro para magpatingin. May seminar pala noong araw na yun sa Hospicio at pagkatapos ng sandaling pagkakilanlan ay tinungo namin ang lugar kung saan dinadaos ang seminar. Mga tauhan ng POEA ang nagconduct ng seminar at ang dami ko ring natutunan. Hindi naman talaga ko part ng seminar na yun pero sinama na ko ni sister dun tapos dun ko na ginugol ang buong maghapon ko, hindi ko na tinungo ang H4 dahil wala naman talaga kong balak na pumunta dun nung araw na yun at nakampante na din ako sa sinabi ni sister na kapag internal bleeding daw dark ung blood eh yung blood kasi na lumabas eh fresh blood, mapula. Ayun andami kong natutunan sa isang araw na seminar lalo na sa illegal recruitment hehehehe at sa mga batas at karapatana tungkol sa pangingibang bansa. Sayang hindi na kasi ko makakabalik kinabukasan dahil kinakailangan kong makipagkita sa kapatid ko at wala na rin kasi ko matinong damit hehehe, wala tuloy akong certificate. Mag- aalas sais na ng gabi nang matapos ang seminar. Sa Sabado na lang ulit kami magkikita ni Sister Amy para makapag-usap daw kami nang maayos. At ang takot na nararamdam ko sa dugo ay napalitan ng excitement dahil magsisimula na rin ang mga unang hakbang ko para makatulong naman sa iba.

Teka, hindi ata bagay ang title ko pero ayoko nang palitan hehehe. Posting...

7/26/2011

14 Day Trial

Hello, ayun pasensya na sa mga sumusubaybay, lagi kasing puno mga internet shops kaya hindi ako makapagblog hahahaha, may nakamiss ba? Syempre wala huhuhu, ayun masaya ako kasi nadagdagan ng isa ang followers ko, tatlo na sila hahahahaha.

Taksikab

Nakapunta nako sa CCP many times pero never pa ako nakapasok pero noong nakaraang thursday, sa cinemalaya, nakapasok din ako kasi may free tickets yung kasama ko sa tinutuluyan ko. Pagkapasok sa loob, ayun halos lahat ata ng mga manunuod ay bading hehe, ilang direktor tulad ni Joel Lamangan, Mario J delos Reyes, si Ogie Diaz, si Rey Pumaloy at marami pang mga indie actors ang nandun. Mag aalas dose na ng madaling araw nang magsimula ang movie at nagtapos bandang alas dos.

7/21/2011

HUMPHREY GORRICETA

Ang gwapo noh hahahaha, akalain nyo bang magkasama kami sa kwarto na tinutulugan ngayon.

RITM

The Research Institute for Tropical Medicine ( RITM).

Isinama ako ng isa sa mga kumukupkop sa akin nung Martes sa RITM, dahil kukuha sila ng gamot at para daw makita ko rin ang lugar nilang mayayaman haha ( mga poor daw kasi kaming taga H4 haha, biro niya) , kasama ang ex boyfriend nya na naging kaibigan nya ay tinungo namin ang lugar sakay ang kotse ng kaibigan nya.

7/18/2011

PUSIT

Love ko ang pusit lalo na yung inihaw na pusit tapos may palamang sibuyas at kamatis, hehehe. Hindi ko inaasahan na malaki pala ang magiging role ng pusit sa buhay ko hahahaha.

The Beginning of the Never-ending

Sa totoo lang hindi talaga ko fluent sa pag iingles pero trip ko lang gawin sa title ko ngayon haha. Magkwento na ako ha.

Pagkagising ko mula sa tinulugan kong bahay ay tinext ko yung number na binigay sakin ng isang miyembro ng pinoy plus para mameet ko, naghahanap kasi ako ng kababayan ko, para may makilala naman akong kababayan ko. At pagkatapos kong maligo at magpalit ng tshirt, ay nagpaalam at tumungo na ako sa lugar na pupuntahan ko nang walang brief hahahaha, tshirt lang kasi ang baon kong damit.  Sa Vito Cruz station  ako bumaba at mula dun sumakay ako ng jeep at hinanap ang lugar mula sa instructions  nya at salamat kay Lord dahil hindi ako naligaw at yun nagkita kami sa Dian St., hindi pa kami nagkikita nung time na yun pero parang alam nya na agad na ako yung pusit at parang alam ko rin agad na siya din yun hahahaha. Hinatid lang nya ko sa center nila dahil nagmamadali sya dahil may lecture sya, pinakilala nya ko sa ilang taong nandun at umalis din agad, almost 9am na yun at sabi nya at 10 am sharp, babalik sya para mag usap kami. Ayun, kinausap naman ako ng mga tao dun tapos since nagugutom ako, sabi ko kakain muna ako at sa paghahanap ko ng makakain, ung pares kung tawagin ang kinain ko hehe. Pagkakain ko ay bumalik din ako sa center agad, at naupo, napansin nung isang pusit na parang pagod at antok ako kaya nag offer sya nung gusto ko daw ba magpahinga at may pahingahan daw sa taas. Umoo ako at tinungo ang second floor at dun sa double deck, ako'y nakapagpahinga kahit papano.

Pagod na ba kayong magbasa? Medyo mahaba yung kwento ko ngayon hehe, itutuloy ko na ha.

Almost 11am na nung dumating ang kababayan ko, kwentuhan, kwentuhan, at sinama nya ko ng sinama sa mga lakad nya, busy siya, hanggang sa nagtanghalian, mabait siya, nantreat sya ng lunch hehe at para sakin pa nga daw yung uwi nyang chowking food. Hanggang sa inabot na ako ng hapon at tanong nila kung uuwi pa ba ako ng probinsya, pwede daw  ako magstay dun at mula sa plano kong sa Taguig ako magtatrial eh dun na ako sa kanilang center, kinabukasan ko na kukunin ang gamit kong pinadala ko sa kapatid ko sa Taguig, At kinagabihan, nun ko na daw simulan ang pag -inom ng ARV mas maganda raw kasi simulan kapag gabi para kung may side effect eh itutulog ko na lang daw. 8:05 sa oras ng cp ko ininom ko na ang unang gamot na Lamivudine at Zydovudine ( di ko sure ung name nung pangalawa pero letter Z sya nagsisimula hehehe) na magkasama sa isang tableta, pinakikiramdaman ko pero wala naman ako naramdaman , thank you Lord, after an hour, ininom ko naman ang nevirapine at ako'y nahiga na, nakikiramdam. Isa o dalawang oras siguro bago ako nakatulog.

First night ng trial, success. Thank you Lord.

At nung gabing yun ang naging simula sa pag-inom ko ng ARV na iinumin ko na habambuhay.

7/15/2011

July 11, 2011

July 11, 1984 nang ako ay isinilang. July 11, 2011 nang ako naman ay isinalang hahahaha.

May naghihintay ba sa bago kong post? hehe mukhang meron naman kasi may mga ilang views pa rin ako hehe. Pasensya na guys kasi eto ako nag iistart na ng trial ng ARV at nakikituloy ako sa umampon sakin habang nagtatrial.

7/10/2011

10:10

Ang saya. Ngayon ko mas naapreciate ang buhay. Dami din naming naging bisita, ang saya ko, ang saya ng naging birthday celebration namin.  Official photographer ako kanina pero meron din akong mga pictures ko hehe. Lumpiang sariwa lang ang sinabakan ko, yun kasi nirequest ko eh, saka ang ever paboritong spaghetti hehe. At tulad nga ng inaasahan, tanghali pa lang, may nagyaya na sa aking uminom, nasabi ko tuloy na di ako pwedeng uminom pero pwede kong magpainom hehe, buti emperador light lang ang request, at yun nagkasundo na di na ko iinom, dinahilan ko na lang na aalis ako bukas ( totoo namang aalis ako hehe). Buti na lang umuwe na sila pagkatapos ng isang litro empe. Nung bandang hapon nagdatingan naman ang ibang batch ko ng pinsan, aya uli,, eh di ayun, ganun na lang din sinabi ko,, redhorse ung mga lalake at yun mga babae kong pinsan tanduay ice naman ang gusto, haha nabawasan uli budget ko pero birthday ko naman at happy naman ako kaya go lang ako ng go pero yun nga kahit anong pilit nilang painumin ako, hindi ako nakainom kahit isang lagok lang. 10:10 title kasi ganung oras natapos ang kasiyahan dito sa bahay, solved ako sa pagvivideoke heh, lahat ng gusto ko kantahin, nakanta ko hehe. Kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ko gigising, excited ba ko sa birthday ko bukas hahaha eh sa San Lazaro ako magbibirthday hehe, may mareceive kaya akong magandang gift bukas? Sana meron hehehe. Gift na lunas kaya sa AIDS? hahaha, sana nga noh. Paano tulog na ko, hanggang sa muli mga magbabasa ko hehe kunyari meron.

CELEBRATION

Ganado ako ngayon, kakatapos lang naming magsimba, ngayon ang handaan samin hehe,, hinihintay ko na ang inarkilang videoke at magsasawa na naman ako sa pagkain ng paborito kong spaghetti at lumpiang sariwa hehehe. Gloomy ang panahon ngayon, pero sana hindi umulan ng malakas para mas masaya, mukhang madaming bisitang pupunta, madami atang ininvite ang nanay ko hehe, kung sabagay ang dami-dami naming kamag-anak, huwag lang sana nila ko ayaing uminom kasi ayoko nang uminom at masama na talagang uminom. (malakas kasi ko uminom) At sana hindi na humantong sa pagtataka at marami pang tanong sa gagawin kong alibi kung bakit hindi ako pwedeng uminom hehe. Wow naks naman may isa nakong follower ah hehe. Sige guys, mamaya na lang uli, busi-bisihan muna ako... Batiin nyo naman ako ng happy birthday bukas ah hahahaha. Goodmorning sa ating lahat.

7/09/2011

7 11

Kwento ko lang, sa Monday kasi kailangan ko na naman ng pera, pamasahe, panggastos kasi pupunta na naman ako ng H4 sa San Lazaro. Paubos na rin yung perang binigay sakin ng nanay ko. Hiya ako humingi. Kagabi tumaya ako ng jueteng , tapos kaninang umaga, ang agang nagpunta ng kubrador, kala ko magpapablood pressure lang sakin ( marunong ako, kasi nag-aral ako ng nursing, di nga lang nakatapos,) nun pala may magandang ibabalita na tumama ang numerong tinayaan ko, 7x11. Ang saya ko talaga, nagpasalamat agad ako kay Lord,  binigyan nya ko ng early gift kasi sa Monday nga kung saan pupunta nga ako ng ospital ay birthday ko rin, 7 11 (july 11). Solve na, almost 4thousand din napanalunan ko, ang iba binalato ko sa kubrador, sa nanay ko, kapatid ko at sa ilang batang nandito kanina hehe tuwang-tuwa kasi ako hehe, ung iba pinandagdag handa kasi pag-iisahing selebrasyon na lang ang birthday namin ng nanay ko at pamangkin ko, sunud-sunod din kasi, sa july 9, 11 at 12, july 10 ang celebration hehe.

7/08/2011

Bakit kailangang magpatest?

Importante, Napakaimportante ang magpatest lalo na dun sa mga taong at high risk dahil hindi maingat sa pakikipagtalik.

Ang hiv test ay boluntaryong ginagawa, Di pwedeng sapilitan, di pwedeng itest yung taong ayaw magpatest at naaayon naman yun sa batas. Kaya ako, naniniwala ako na mas marami pang may sakit na hindi pa nakukumpirma, madalas din kasi na wala namang palatandaan at sintomas ang sakit and since kakaunti lang ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV/AIDS, tahimik itong kumakalat na hindi namamalayan. At yun ang goal ko magkaroon ng awareness sa sakit ang mga tao at kung maaari nga ay di na madagdagan pa ang mga tulad naming pusit. Para mawala na rin ang stigma, at maling paniniwala sa sakit.


Kailangan magpatest upang malaman mo kung positive ka o negative, para matahimik ka na, dami kasing natatakot magpatest dahil sa magiging resulta, dahil hindi sila handa sa magiging resulta, pero hindi nga dapat matakot dahil ang pagpapatest ay paghahanda na rin, dahil paano nga kung malasin ka't positive pala, hihintayin mo pa bang lumala at magkaroon ng maraming kumplikasyon, na maging buto't balat ka na lang, na hindi mo na kayang tumayo or worst mamatay ka na lang na wala ka pang nagagawang maganda sa mundo bago magpatest? . Kung pwede namang magpatest agad at malaman  ang mga dapat gawin, mabuhay ng malusog, mabuhay nang matagal, mabuhay ng tama, mabuhay ng normal, mabuhay ng may takot sa Diyos.

Basta't lagi lang tatandaan,  it's not the end of the world. Habang may buhay, may pag-asa, malay natin bukas makalawa, may gamot na,  basta think positive hehe. Live positive. Love life. Kaya dun sa kinukutuban at sa may risk na magkaroon, get tested tulungan natin sarili natin. Pwede nyo rin ako kontakin kung gusto nyo may kasamang magpatest, email ko nandyan, dito lang ako. ok?

Bakit nga ba ako nagpatest?

Karamihan sa mga kasamahang kong Pusit o hiv positive, (sa susunod kong post, papaliwanag ko kung bakit pusit) nalaman lang nila na infected sila dahil sa hiv test na required para makapag work ka abroad, marami rin na late, yun bang tipong may mga kumplikasyon na like namamayat na sila, mahina na,  may pneumonia na, may tb.

Bakit ko nga ba naisipang magpatest? Nang minsang naligo ako nitong nakaraang February, napansin kong parang may mamula-mulang maliit na butlig sa legs ko, ilan lang naman 2 or 3 lang ata, pero kung bakit kinabahan ako bigla. Makalipas ang ilang araw, nawawala naman siya pero may tumutubong panibago tapos parang may nabago sakin, para bang madaling mairitate yung legs ko pag nagshoshorts ako, para bang laging may tumutusok. Lumipas pa ilang araw, bumili ako ng canesten at inapply ko dun, ayun nawala at wala atang bagong tumubo for 2 days tapos bumalik na naman. Kinakabahan na ko nun, naisip ko baka may AIDS nako pero kinakalaban ko ang sarili ko, sabi ko hindi kasi maingat ako pero kinokontra din dahil alam kong may ilang beses din akong hindi nag-ingat, isa na yung huli kong nakasex nitong January na isang Kano. First time ko sa foreigner at hindi pa ko nag-ingat hehe.

Lumipas ang araw, linggo, hindi nawawala ang kaba ko, Research, research, HIV, AIDS, STDs, niresearch ko rin mga rashes, kung nagkakataghiyawat ba sa legs, at kung anu ano pa. Yun, takot na takot ako, baka meron na nga ako pero todo deny pa rin ako sa sarili ko at pilit pinapaniwala sarili ko na imposibleng magka HIV ako. IMPOSIBLE hehe. Nakakaparanoid talaga. Grabe pagod na pagod ang pagkokontrahan ng isip ko. At sinabi ko talaga na mapapanatag lang ako pag nakapagpatest ako. Pero di ko alam kung saan, kung magkano, at kung kanino ko lalapit.

Pilit kong pinapanatag ang isipan ko at pilit tinatalikuran ang mga ganung kaisipan pero palala ng palala, kinakalimutan ko pero bakit ganun, magsisindi ka ng tv tapos biglang may balitang ganun, napakadami, at talagang lalo akong kinakabahan, and there was a time pa nga na sinabi ko sa isip ko na kapag nagbukas ako ng Yahoo at  nagtetrend yung salitang kinakatakutan ko, ibig sabihin nun meron nga akong HIV. Sabi ko naman imposibleng lumabas yun pero laking gulat ko, shocked, lumabas yung salitang yun. Sabi ko palakasan na lang ng loob to kasi alam kong hindi ako matatahimik hangga't di ako nakakapagpatest.

May 16, 2011 nang matapos na ang pagtatalo ng isip ko, nagpascreen ako at yun nga REACTIVE...

7/07/2011

HYPOALLERGENIC DIET

Sa Monday, July 11 na nataong birthday ko rin is the last part for my counseling before ako uminom ng ARV (anti-retroviral) drugs. Lapit na akong uminom, wala naman akong choice kasi gusto ko pa mabuhay not just for my family now, pero para na rin sa mga taong kagaya ko at sa mga taong maaaring matulad sa akin kapag hindi nag-ingat. Gusto ko talaga ngayong makatulong in the most possible ways na pwede ko magawa. Kung pwede nga lang sana ako na lang yung huling tatamaan ng sakit na to at wala nang bagong cases kasi aware na lahat ng mga tao about it. Sana nga magawa ko para naman may magawa akong maganda bago man lang bawiin ni Lord ang buhay ko.

Balik tayo sa topic, sabi ni doc, for 1 to 2 months na pag-inom ko ng ARV, iilan lang pala ang pwede ko kainin kaya ngayon talaga, kinakain ko lahat ng gusto ko kainin. Ginagawa daw yun para madistinguish yung allergy sa gamot at sa pagkain. Maaari kasing may mga rashes ako pero sa food ko pala nakuha at hindi sa gamot kaya for 2 months, diet muna. Dalawang buwan na daw pinakamatagal. Binigyan nya ko ng papel wherein nakalagay dun yung mga foods that causes allergy: chicken and eggs, mayonaise, *seafoods; shrimps, squid, oyster, mussels, * certain kinds of fishes like; tambakol, tulingan, tuna, galunggong, dilis, tinapa, sardines, *certain kinds of fruits like; starwberries,citrus fruits like lemon, orange, pomelo, grapefruit, pineapple, mango, mongo, sayote, *pork in processed form like; chinese ham, salami, sausages, *milk and milk products; ice cream, cheese, yogurt, *nuts; peanuts and peanut butter, almond nuts, walnuts, *chocolate bars/ chocolate cakes and other types of cakes, brownies, *cereals like wheat bread, oatmeal, *yeast-cointaining products like beers and some wines.

So ayun, syempre naman susundin ko kesa naman mapahamak ako.  Sana lang hindi ako pumayat para okay sa alright pa rin. End.

7/06/2011

51 Days

51 days na pala ang lumipas mula nang malaman kong positive ako. At mula nang araw na yun, kanina lang pala uli ako inutusan ng tatay ko hehe, tagal na rin akong walang ginagawa sa bahay hehe. Tangi ko kasing pinagkakaabalahan eh laro sa fb na cityville, i'm approaching level 68 na hehe, panunuod ng videos ni Charice, check ng mga sites nya for the latest updates, pep at ilang sites for the showbiz balita, twitter. At ngayon nga, sinusubukan ko na magblog hehe. Pasado kaya? Eh siguro since nga nakita na nila na nagiging normal na ulit ako eh di wala na ulit ako special treatment sa bahay hehe, yun nga naglinis ako ng galunggong kanina at nagprito nito. Mukha ngang pabalik na ko sa paborito kong ginagawa, ang pagluluto. Pero ayoko pa rin talagang humawak ng kutsilyo, takot pa rin ako baka mahiwa pa, mahirap na hehe. Malaki talaga ang nagawa ng Pinoy sakin sa pagiging positibo ng pananaw ko sa buhay ngayon sa kabila ng sakit ko. Wala ako masyado masulat ngayon, may bumabasa na kaya ng blog ko, sana meron na at sana hindi ako isumpa nung nakabasa na dahil sa sobrang walang kwenta ng blog ko hahaha? Kung meron na bumabasa, sana comment naman kayo tapos email nyo na rin ako hehe, tapos kung may mga mali akong nasabi, pakitama na rin ah, alam myo naman below average lang ako hehe. Magandang araw sa lahat.  Happy reading.

7/05/2011

MULING SUMIKAT ANG ARAW

Kahapon, 3am ako gumising at 4am naman ako natapos maggayak dahil babyahe ako paluwas ng Manila. Marami pa rin ako pangamba sa paglalakbay ko papunta sa San Lazaro para sa aking ikalawang counseling. Bago mag alas otso ay nakarating na ako, nung oras naman na iyon ay nasa v mapa pa lang daw ang mga kapatid ko,( manggagaling sila sa bahay ng ate ko sa Taguig) So kumain muna ako sa  kainang malapit sa ospital. Special goto inorder ko na parang di naman talaga ispesyal hehe at isang C2.  Pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa lugar namin sa San Lazaro...

7/03/2011

ARV

Thursday, June 23, bumalik ako for the result ng cd4, 6 am nandun na ako kasi madami daw dun pupunta kasi nga release din yun ng gamot at maraming kukuha, at suwerte at number 6 naman ako kaya di ako aabutin ng hapon.

CD4 count

Base sa nabasa ko at sa paliwanag ng doctor, ang cd4 count daw ay ginagawa sa HIV patients to determine  how the HIV infections is affecting our immune system, yung normal cd4 count daw is above 1000. Dun din malalaman kung kinakailangan mo nang magtake ng ARV na sa susunod ko nang post mas pag uukulan ng pansin.

San Lazaro

In less than two weeks mula sa 3 weeks na palugit before ko daw malaman yung confirmatory test, eh nakuha ko na yung result, ayun eh di naconfirm na nga, hindi nako masyado nagulat, parang expected ko na rin hehe. Tapos sabi nung pathologist, pili daw ako mula sa RITM,  PGH o San Lazaro pero sabi nya sa San Lazaro na daw ako pumunta para sa counselling at para malaman ko daw kung ano dapat kong gawin,, so nung Monday, June 6, 2011 mula sa ilang oras na paglalakbay at pagtatanong, narating ko sa kauna unahang pagkakataon ang San Lazaro Hospital, H4 pavillion, for the HIV patients.

Gastos

Hindi lang ung mismong karamdaman mo ang poproblemahin mo eh, kailangan mu rin ng pera, kasi hindi lahat ng test eh libre. So ayun, kailangan lagi may dalang pera, madami na rin akong nagagastos lalo na nga"t nasa probinsya pa ko ngayon pero hindi naman kalayuan sa maynila. So pati pamasahe dagdag din sa gastos, eh wala naman din ako trabaho. Kakahiya nga sa magulang ko eh pero sabi nila tuloy ko ang laban so itutuloy ko.

Pagbabalik -loob

Aminado ko, dami kong kasalanan sa Kanya, mahigit isang dekada kong hindi nagsisimba at hindi nagdadasal tapos ngayon lang ako uli nagbalik-loob, nagdadasal at nagsisimba. Sana mapatawad na Nya ko sa lahat ng mga kasalanan ko. Siya lang ang tunay na magbibigay ng pag-asa at liwanag satin. Huwag nating kalimutan tumawag sa Kanya.

Pag- amin

May 16, 2011 pa rin, pag uwi ko sa bahay, walang kibo, nung umalis kasi ko nagpaalam lang akong maglilibot sa kaibigan at masaya pa. Pag-uwi ko, buo na yung loob ko na sasabihin ko sa magulang ko yung sitwasyon ko so pagdating ko, sabi ko nay kakausapin ko kayo ni tay, nung time na yun eh may bisita pa si tay, si nanay kinakabahan na kaya di na makapaghintay pa kaya una ko nang sinabi sa kanya, minessage ko din pala sa facebook ate ko, so ayun bago ko sinabi na positive ako, sinabi ko muna yung tunay kong pagkatao na bakla ako, discreet discreetan pa kasi, tapos bumigay nako sa pag iyak kasabay ng pagsabi ko na may AIDS ako, aids ung sinabi ko kasi mas madali nyang maiintindihan, so ayun iyakan, iyakan tapos mag gagabi na, hindi nako lumabas ng kwarto, di nako naghapunan, parang wala munang nangyari sa kanila kasi may bisita pa kami. Kinabukasan dumating si ate at ako naman bumalik sa hospital kasi kailangan ko pang magbayad sa doctor, wala kasing request ng physician nung nagpatest ako eh hindi naman pwedeng magforward daw sa DOH na walang request ng physician yung hiv screening. Nagbayad ako ng 300 for doctor's fee at yun, counselling ulit. Tapos pag-uwe ko, si ate lang naabutan ko sa bahay, umattend kasi ng kasal yung family ko tapos ayun first time ata akong niyakap ni ate sabay iyak at nagsosorry kasi wala daw siya magagawa para pagalingin ako at siyempre iyakan to the max na naman. Higit sa isang linggo siguro kong araw araw umiiyak, tinatry idivert yung atensyon sa ibang bagay pero wala pa rin sobra pa rin ako nalulungkot, may isang laro sa fb na pinagkakaabalahan ko, cityville hehe level 66 nako dun ngayon hehe

Reactive

May 16, 2011 when i decided na magpa HIV screening sa isang hospital para matapos na rin yung walang katapusang pag- iisip ko kung positive nga ba ako o negative sa HIV. At sa wakas nga, natapos na rin, yun nga lang Reactive.

7/02/2011

Simula

Ako si Bal, madalas tawaging bal na walang malay hehe, i'm 26 na. Today July 2 2011, sinubukan kong gumawa ng blog para masabi ko mga gusto ko sabihin, baka din sakaling may mga taong handang makinig, malaman kung ano ba ang saloobin ko o ng mga taong tulad ko na HIV positive. Baka rin makatulong ako sa mga taong maraming tanong na bumabagabag sa isipan tungkol sa usaping HIV.  Bale ito na yung parang magiging diary ko sa paglalakbay sa araw araw na buhay bilang isang HIVpos. Welcome sa blog ko hehehe