7/26/2011

14 Day Trial

Hello, ayun pasensya na sa mga sumusubaybay, lagi kasing puno mga internet shops kaya hindi ako makapagblog hahahaha, may nakamiss ba? Syempre wala huhuhu, ayun masaya ako kasi nadagdagan ng isa ang followers ko, tatlo na sila hahahahaha.


Ayun, kagabi natapos na ang ikalabing-apat na pag-inom ko ng nevirapine na once a day pa lang at yun sa two weeks na pag-inom ko ng gamot, pwede ko sabihing wala talagang naging problema o side effects tulad ng rashes, medyo naging strict din kasi yung pagsunod kosa hypoallergenic diet ko o sadyang marahil na wala talaga kong allergy o baka bukas pa lang siya lalabas huhuhu huwag naman sana. Nagpapasalamat talaga ko sa Diyos at sa mga tao sa paligid ko na sumuporta all the way para makayanan ko yun kasi lam nyo naman nag eemo pa rin ako.

Kaninang 9 am, sinimulan ko na ang pag-inom ng nevirapine dahil starting today twice a day ko na siya iinumin at hopefully, wala pa rin maging problema para makatulong na ko sa ibang namumublema at maging kapaki-pakinabang na. Oh paano babalitaan ko na lang uli kayo pag nagkaroon uli ako ng oras para makapagnet at salamat sa mga nagbabasa, sana  kahit papaano gumagaan pakiramdam nyo, salamat guys, feedback please. (Magluluto pa kasi ko ng lunch hihihi) Sa uulitin.

1 comment:

  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete